^

Bansa

Local names ng bagyo inadopt ng PAGASA

-
Mula ngayong 2001, pangalang lokal na ang gagamitin ng Philippine Atmospheric and Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA) para higit na magkaroon ng kaalaman ang taumbayan hinggil sa mga bagyong dumarating sa bansa.

Gagamitin ng PAGASA ang mga bagyong darating ngayong 2001, gayundin sa taong 2005, 2009 at 2013 ang mga pangalang Auring na dumating na noong Pebrero taong ito, Barok, Crising, Darna, Emong, Feria, Forio, Huaning, Isang, Jolina, Kiko, Labuyo, Maring, Nanang, Ondoy, Pabling, Quedan, Roleta, Sibak, Talahib, Ubeng, Vinta, Wilma, Yaning at Zuma.

Sa taong 2002, 2006, 2010 at 2014 ay gagamitin ang mga pangalang Agaton, Basyang, Caloy, Dagul, Espada, Florita, Gloria, Hambalos, Inday, Juan, Laka, Lagalag, Milenyo, Neneng, Ompong, Paeng, Quadro, Rapido, Sibasib, Tagbanwa, Usman, Venus, Wisik, Yayang at Zeny.

Sa taong 2003, 2007, 2011, 2015 ay Amang, Batibot, Chedeng, Dodong, Egay, Falcon, Gilas, Harurot, Ineng, Juaning, Kabayan, Lakay, Manang, Nina, Onyok, Pogi, Quiel, Roskas, Sikat, Tisoy, Ursula, Viring, Wang Wang, Yoyoy at Zigzag.

Sa taong 2004, 2008, 2012, 2016 ay Ambo, Biday, Cosme, Dugong, Enteng, Flor, Giling, Hataw, Inggo, Julian, Kenkoy, Lawin, Manoy, Nonoy, Osang, Pandoy, Quinta, Rigodon, Sigla, Totoy, USA, Viajero, Wasiwas, Yoyong at Zosimo.

Ang nabanggit na mga pangalan ng bagyo sa bawat tinakdang taon ay may bilang na 25 ayon sa pagkakasunod, pero kapag lumampas na sa 25 ang bagyo sa isang taon ay gagamitin ang mga sumusunod: 2001, 2005, 2009 at 2013 ay Alamid, Bruno, Conching, Dolor, Ekis, Fuersa, Gimbal, Hampas, Isko at Juego.

Sa 2002, 2006, 2010, 2014 ay Agila, Bagwis, Ciriaco, Diego, Elena, Forte, Gunding, Hunyango, Itoy at Jessa at sa 2003, 2007, 2011 at 2015 ay Abe, Berto, Charing, Estoy, Fuego, Geming, Hantik, Irog at Joker samantala sa 2004, 2008, 2012, 2016 ay Alakdan, Baldo, Carayan, Dagundong, Estong, Fuerte, Gardo, Harabas, Ikot at Julio. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

AGATON

AGILA

ALAKDAN

ALAMID

ANGIE

AURING

BAGWIS

BALDO

PHILIPPINE ATMOSPHERIC AND GEOPHYSICAL ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

WANG WANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with