^

Bansa

Mahilig din sa letrang 'J'

-
Bukod sa may letter "Z" ang mga babaing nakakarelasyon ni Erap, kakatwa rin namang paborito niya ang letter "J". Ang lahat ng kanyang mga anak ay pawang nagsisimula sa "J" ang pangalan. Sa mga anak niya kay First Lady Loi Ejercito ay pawang sa "J" nagsisimula: Jinggoy, Jackie at Jude. Kay Pinky Osorio ay Joel; Kay Guia Gomez ay si Jose Victor o "JV"; kay Laarni Enriquez ay sina Jerika, Jake at Jacob; kay Joy Melendrez ay Jose at kay Rose Dungca ay Josephine Rose o "JR".

At kakatwa naman na letter "J" din ang umpisa ng eskandalong yumayanig sa kanya sa kasalukuyan: ang jueteng. Siguro’y nagkataon lamang ito. Pero ang isang nakadilat na katotohanan ay naiplano o napaghandaan ni Erap ang mga pangalan ng kanyang mga anak. Magaganda ang pangalan na talagang pinag-isipan at may "dating" ang tunog. Madaling matandaan ang mga ito at hindi siguro malilimutan.

Ang pakikipagrelasyon ni Erap sa maraming babae ay hindi na maituturing na balita. Maski ang masa na nagluklok sa kanya sa puwesto ay marami na ring alam sa mga tsikas ni Erap. Bago pa siya pumasok sa pulitika ay kilala na siya sa pagiging tsikboy. Hindi naman nakasagabal ang kanyang pagiging tsikboy sa pagpasok sa pulitika. Katunayan ay tambak ang bumuto sa kanya. Tinanggap siyang lider at ang pangalang Erap ay naging bukambibig ng masa. Macho-guwapitong lider na napapaligiran ng mga naggagandahang babae na mahirap balewalain. Ang iba’y nagpapakita ng motibo at sino ang tatanggi sa palay na nakalatag at tutukain na lamang.

Nang ma-involved si US President Bill Clinton kay Monica Lewinsky ay nagtawa lamang si Erap dito. Sabi ni Erap sa isang news item na lumabas sa Philippine Star noong May 13, 1998, "Clinton and I have sex scandals. But Clinton has the scandals and I have the sex." Sinabi ito ni Estrada ilang araw makalipas ang Presidential election na pinagwagihan niya.

Si Clinton ay dumaan din sa impeachment trial tungkol sa mga "nakakikiliting tagpo" nila ni Monica Lewinsky sa Oval room ng White House. Nagsimula ang mga tagpo nang lantarang magpakita ng motibo si Monica kay Clinton. Si Monica ay batambata, maganda at malakas ang sex appeal. Sa isang pagkakataon upang maakit si Clinton ay itinaas nito suot na jacket at ipinakita ang panty kay Clinton. Ang kasunod niyon ay ang "magagandang tagpo" na "paglapang" ng lumpia ala Clinton sa Oval room. Ang ebidensiya ay ipinakita ng mga talsik nang natuyong puting likido sa asul na uniporme ni Monica.

Barako rin si Clinton. May matayog na imahinasyon sa sex. Subalit mas barako at macho si Erap. Maski may asawa ay natitipuhan niya tulad ni Rowena ‘‘Weng’’ Lopez na isang flight stewardess. (Itutuloy)

vuukle comment

BUT CLINTON

CLINTON

CLINTON AND I

ERAP

FIRST LADY LOI EJERCITO

JOSE VICTOR

KAY

MONICA LEWINSKY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with