^

Bansa

Velarde kakasuhan ng CBCP

-
Posibleng kasuhan at parusahan ng simbahang Katoliko ang lider ng El Shaddai na si Bro. Mike Velarde dahil sa umano’y lantaran nitong pagsuporta kay Pangulong Joseph Estrada.

Ito ang ipinahiwatig kahapon ni Catholic Bishops Conference of the Philippines President Orlando Quevedo kasabay ng pagsasabing pinadalhan ng Archdiocese of Manila ng mga katanungan si Velarde at pinagpapaliwanag ito sa basihan nito sa pagpanig kay Estrada gayong taliwas ito sa itinuturo ng Bibliya ang mga kasalanan nito.

Kasabay nito, nanawagan si Estrada sa simbahang Katoliko na igalang ang probisyon ng Konstitusyon hinggil sa hiwalay na kapangyarihan ng Estado at Simbahan.

Ginawa ni Estrada ang pahayag dahil sa pagsuporta ng CBCP sa civil disobedience na ikakampanya ng mga oposisyon at ng iba pang grupo laban sa kanyang administrasyon.

Nilinaw din ni Estrada na nakipagkita siya kay Bishop Teodoro Bacani kamakalawa ng gabi para linawin ang mga akusasyon laban sa kanya tulad ng sa jueteng payola. (Ulat nina Jhay Mejias, Lilia Tolentino at Ely Saludar)

vuukle comment

ARCHDIOCESE OF MANILA

BISHOP TEODORO BACANI

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES PRESIDENT ORLANDO QUEVEDO

EL SHADDAI

ELY SALUDAR

JHAY MEJIAS

KATOLIKO

LILIA TOLENTINO

MIKE VELARDE

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with