^

Bansa

'FVR ulyanin'- Erap

-
Napikon muli si Pangulong Joseph Estrada sa pasaring ni dating Pangulong Fidel V. Ramos sa pagbisita nito sa Batac, Ilocos Norte kamakailan na meron na lang siyang 29 na araw sa Malacañang para bumaba sa puwesto. Pinuna ni Estrada na nakalimutan ni Ramos na may umiiral na Konstitusyon sa bansa at may sinusunod na proseso hinggil sa mga akusasyon laban sa kanya tulad ng pagpapasailalim sa impeachment. "Hindi ko maintindihan. Baka ulyanin na ito. Alam na niya bilang dating Pangulo na may proseso sa Saligang-Batas kaya siguro pabayaan na lang natin siya," asar na pahayag ni Estrada hinggil kay Ramos. Sa pulong ng National Security Council noong Nobyembre 6, sinabihan ni Ramos si Estrada na magbago na at, kung mabibigo ito, makakabuting magbitiw na ito sa tungkulin sa Disyembre 15 para "magkaroon tayo ng masayang Pasko." (Ulat ni Ely Saludar)

vuukle comment

ALAM

BATAC

DISYEMBRE

ELY SALUDAR

ILOCOS NORTE

KONSTITUSYON

MALACA

NATIONAL SECURITY COUNCIL

PANGULONG FIDEL V

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

RAMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with