^

Bansa

Disyembre 7, simula ng impeachment trial

-
Naniniwala si Senate President Aquilino Pimentel, Jr. na masisimulan na nila ang impeachment trial sa Disyembre 7 na inaasahan ang pagsusumite ng sagot ni Pangulong Joseph Estrada sa summon na ipinadala sa Pangulo ng Senado at maging ang limang araw na palugit sa mga prosecutors.

Ayon kay Pimentel, bukas ay magsisimula na ring manumpa si Chief Justice Hilario Davide at 22 Senador na magsisilbing hurado sa impeachment case na ihinarap ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sinabi ni Pimentel na walang anumang ibibigay na palugit o extension sa mga magkakabilang panig upang mas maagang matapos ang paglilitis hanggang sa katapusan ng Disyembre.

Kaugnay nito, umaasa si Senador Raul Roco na ang ibinigay na time frame ni Pimentel ay hindi magbubunga ng "lutong macao" dahil na rin sa ang mga karamihan sa mga hurado ay kapartido ng Pangulong Estrada.

Kaugnay nito, ipadadala na ng Senado bukas sa Pangulo ang kopya ng impeachment resolution na ipinasa ng House of Representatives na nagtatakda ng mga kasong dapat niyang (Estrada) sagutin sa pagsisimula ng paglilitis sa Disyembre 7.

Niliwanag naman ni Pimentel na bagaman nais niyang masimulan sa Disyembre 1 ang paglilitis sa kaso, hindi maiiwasang maghintay pa ng 15 araw bago simulan ang proseso dahil may kailangang sunding regulasyon sa paper work.

Sinabi ni Pimentel na ang prosesong ito ay tatagal ng 15 araw kaya’t ang pagsisimula ng paglilitis ay magaganap sa Disyembre 7.

Mapapadali aniya ang proseso kung sasagot agad ang Pangulo pagkatanggap niya ng summons bukas (Lunes). Pero hindi rin aniya maaaring obligahin ang Pangulo ng Senado na humarap sa impeachment proceedings at ipaubaya na lamang sa kanyang mga abogado ang pagsagot sa akusasyon laban sa kanya.

Ayon naman kay Maguindanao Rep. Didagen Dilangalen, posibleng maging partisan issue ang impeachment trial sa Senado ni Pangulong Estrada dahil sa kawalan ng legal training ng ilang Senador pagdating sa pagdinig ng mga legal isyu tulad ng Article of Impeachment.

May posibilidad umano na maging partisan issue ito dahil na rin sa pagtalakay sa mga usapin na maaaring mga ruling hinggil sa admissability ng mga ibidensya na ipi-presenta ng prosecution at ng defense panel sa Senado na magsisilbing korte gaya ng mga video tapes o voice record na ebidensya umano ni Ilocos Sur Gov. Luis "Chavit" Singson kay Pangulong Estrada hinggil sa jueteng pay-offs at tobacco excise tax scandal.

Sinabi naman ni NEDA Dep. Director General Raphael Lotilla na hindi na kailangan pang magbakasyon ang Pangulo sa panahong sumasailalim siya sa impeachment proceeding sa Senado. (Ulat nina Doris Franche/Lilia Tolentino at Malou Rongalerios)

vuukle comment

ARTICLE OF IMPEACHMENT

AYON

CHIEF JUSTICE HILARIO DAVIDE

DIDAGEN DILANGALEN

DISYEMBRE

PANGULO

PANGULONG ESTRADA

SENADO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with