^

Bansa

Jose Mari Gonzalez handang maparusahan

-
Inamin kahapon ni San Juan Rep. Jose Mari Gonzales na nakagawa siya ng kasalanan ng sampalin niya si House sergeant-at-arms at ret. AFP Brig. General Bayani Fabic noong Nobyembre 13 sa loob ng sesyon hall ng Kamara habang nagkakagulo ang mga Kongresista at taong nakapasok doon dahil sa pagpasa ni dating House Speaker Manuel Villar sa Senado sa impeachment case laban kay Pangulong Estrada.

Ayon kay Gonzales, nakahanda siyang tanggapin ang anumang ihahatol sa kanya ng House Committee on Ethics dahil nagkasala siya hindi lamang kay Fabic kundi sa institusyon ng Kamara.

"Tao lamang ako na umiinit ang ulo kaya minsan ay nakakagawa ng hindi magandang bagay," ani Gonzales.

Sinabi pa bilang isang mambabatas, igagalang niya ang kaparusahang ibibigay sa kanya ng kanyang mga kasamahan.

"No one is above the law. Kahit Kongresista ka pa o Presidente pa ng Pilipinas ay dapat na igalang ang batas," ani Gonzales.

Pero umapela rin ang Kongresista kay Fabic at iba pang kasamahan na kung maaari ay mapatawad na siya sa kanyang ginawa.

Nakatakdang humarap si Gonzales sa House Committee on ethics matapos ihain kamakailan ni Akbayan Partylisy Rep. Loretea Ann Rosales ang isang resolusyon na humihiling na imbestigahan ang nasabing insidente. Sinuportahan naman ng may 64 na mambabatas ang inihaing resolusyon ni Rosales at sinabi pa na hindi dapat palampasin ng bagong liderato ng Kamara ang ginawang pananampal ni Gonzales kay Fabic.(Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

AKBAYAN PARTYLISY REP

FABIC

GENERAL BAYANI FABIC

GONZALES

HOUSE COMMITTEE

HOUSE SPEAKER MANUEL VILLAR

JOSE MARI GONZALES

KAHIT KONGRESISTA

KAMARA

KONGRESISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with