^

Bansa

Pag-uusig sa 16 pedophile nais tiyakin ni Legarda

-
Hinikayat kahapon ni Senador Loren Legarda ang Department of Justice na tiyakin ang mabilis na pag-uusig sa 16 na dayuhang nadakip sa iba’t ibang bahagi ng bansa mula Enero hanggang Agosto ng taong ito dahil sa umano’y pang-aabusong sexual sa mga batang Pilipino.

"Ipalagay nang mapawalang-sala ang ilan sa kanila, dapat silang ipailalim sa watchlist ng Bureau of Immigration o ideport pabalik sa kani-kanilang bansa," sabi ni Legarda.

Sinabi pa ni Legarda na hindi nagtatagumpay sa korte ang maraming child abuse case dahil masyadong mahirap ang pamilya ng mga biktima kaya madaling maareglo ang mga ito.

Batay anya sa ulat ng Philippine National Police, kinilala ni Legarda ang mga suspect na sina Floy Ray Rogers, Timothy James Cronin, Peter Mcneely at George Penso na pawang Amerikano; Olger Chavarria, Costa Rican; Pablo Estevez, Mexican; Kenneth Evans, British; Maxell Lowrie, Australian; Darrel Glen Nordhagen, Canadian; John Paul Reuse, Swiss; Ahmed Hasan Ali, Bahrain; Tom Dalbys, Danish; at mga Hapones na sina Yoshiaki Igarashi, Tadashi Shibata, Masaharu Tsukui at Makoto Okazaki.

Ang 41 anyos na si Rogers ay nambastos umano sa isang 12-anyos na batang lalaki sa Tacloban City. Si Cronin, 50, ay nang-abusong sexual umano sa limang batang babaeng may edad na mula dalawa hanggang 10 taong gulang sa San Fernando, Pampanga.

Naakusahan naman si Mcneely, 59, ng paggamit ng mga bata sa paggawa ng mga electronic pornographic material sa Cebu City. May kinalap namang limang batang babae para pagtrabahuhin sa isang karaoke bar sa Lapu-Lapu City sina Penso. 67, at Chavarria, 35.

Nanggahasa naman umano ng isang 17-anyos na dalagita si Evans, 52. Nang-abuso rin ng dalawang dalagitang may edad na 13 at 14 anyos si Lowrie na may edad na 62 anyos. Nang-abuso naman ng isang 13-anyos na dalagita si Nordhagen. Magkakahiwalay na inaresto ang tatlo sa Angeles City.

Inabuso naman umano ni Reuse, 51, ang siyam na taong-gulang na anak na babae ng kanyang nobyang Pilipina sa Pagsanjan, Laguna. Nang-abuso rin ng dalawang batang lalaki sa isang resort sa Los Baños, Laguna si Ali, 42.

Nang-abuso rin umano ng mga dalagita sa Malate at Ermita sa Maynila ang nabanggit na mga Hapones.

vuukle comment

AHMED HASAN ALI

ANGELES CITY

BUREAU OF IMMIGRATION

CEBU CITY

COSTA RICAN

DARREL GLEN NORDHAGEN

DEPARTMENT OF JUSTICE

LEGARDA

NANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with