^

Bansa

Bodyguard ng mga kalaguyo ng Pangulo dinagdagan

-
Ibinunyag kahapon ni Batangas Congressman Ralph Recto na pinag-ibayo ng Presidential Security Group ang pagbabantay sa mga umano’y kalaguyo ni Pangulong Joseph Estrada.

Sinabi ni Recto na, ayon sa kanyang mapapanaligang mga impormante, dinagdagan ng PSG ang mga bodyguard ng mga babaeng kalaguyo ng Pangulo para mapangalagaan ang mga ito laban sa mga pangangantiyaw o pananakit ng mga puwersang kalaban ni Estrada.

Binanggit niya na, dati rati, ang First Family lang ang binabantayan ng PSG. Pero ngayon, kailangan ding bantayan ng PSG ang iba pang pamilya.

Pinuna ni Recto ang umano’y double standard ng Malacañang dahil pinalakas nito ang seguridad sa ibang mga babae ni Estrada samantalang binawi ang mga bodyguard ni Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson na nag-aakusang tumanggap umano ng payola mula sa jueteng ang Pangulo. (Ulat ni Jess Diaz)

vuukle comment

BATANGAS CONGRESSMAN RALPH RECTO

BINANGGIT

CHAVIT

FIRST FAMILY

ILOCOS SUR GOVERNOR LUIS

JESS DIAZ

PANGULO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with