^

Bansa

Impeachment laban kay Erap idadaan sa marathon hearing

-
Sinabi kahapon ni House of Representatives Speaker Manuel Villar na pinayagan niyang magkaroon ng marathon hearing ang kanilang justice committeee sa impeachment case laban kay Pangulong Joseph Estrada.

Sinabi ni Villar na kasalukuyang hawak niya ang inihaing impeachment complaint at ipapasa niya ito sa Justice committee sa Lunes o Martes.

Ang Kamara ay nakatakdang mag-adjourn sa Oktubre 27 hanggang Nobyemre 12 subalit dahil sa kasiguruhang ibinigay ni Villar,inaasahang magkakaroon ng marathon hearings sa impeachment case.Marami ang nagpahayag nang pangamba na hindi magtatagumpay ang impeachment case laban sa Pangulo dahil sa 52 araw na sesyon na lamang ang natitira sa Kongreso bago magsimula ang election period sa Pebrero, 2001.

Sa ilalim ng House rule kaugnay sa impeachment,ang Justice Committee ay mayroong 60 session days matapos ang referral ng kaso upang magdesisyon kung idi-dismiss nila ang kaso o ie-endorso para pagbotohan sa plenary.

Tiniyak ni Villar na hindi na uubusin ang 10-araw na ibinigay sa kanya upang pag-aralan ang kaso.

Kaugnay nito, nanawagan si Isabela Cong. Roldolfo Albano III sa mga Kongresista na nagsusulong ng snap election na bago muna makapagdaos ng snap election ay kailangang amyendahan muna ang 1987 Constitution.

Sakali mang magtagumpay ang impeachment complaint, si Vice President Gloria Macapagal Arroyo lamang ang puwedeng pumalit sa kanya.

Sinabi naman ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr. na isang palabas lamang ng Malacañang ang mungkahing snap election dahil wala naman itong constitutional basis dahil sa hindi naman bakante ang dalawang matataas na puwesto sa bansa.

Pinabulaanan naman ni Senador Ramon Magsaysay,Jr. na kasama siya sa resolusyon na inihain ni Senador Juan Ponce Enrile na nagnanais na magkaroon ng snap election.

Niliwanag ni Magsaysay na, bagaman nagbitiw siya sa partidong maka-administrasyon, hindi siya pabor na magkaroon ng snap election.(Ulat nina Malou Rongalerios at Doris Franche)

vuukle comment

ANG KAMARA

CAMARINES SUR REP

DORIS FRANCHE

HOUSE OF REPRESENTATIVES SPEAKER MANUEL VILLAR

ISABELA CONG

JUSTICE COMMITTEE

MALOU RONGALERIOS

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

ROLANDO ANDAYA JR.

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with