^

Bansa

Nagmistula akong kriminal sa Senado - Gov. Singson

-
Nagpahayag kahapon ng kalungkutan si Ilocos Sur Governor Luis "Chaivit" Singson sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng kanyang expose sa jueteng payola scandal na kinasasangkutan ni Pangulong Jospeh Estrada dahil sa nag-iiba ang pinatutunguhan ng mga pagtatanong ng mga Senador na kasapi ng investigation committee.

Ayon kay Singson, nagtataka siya sa proseso ng imbestigasyon dahil sa ang pagkatao na niya ang kinukuwestyon na nagmistula siyang kriminal at hindi ang kanyang nalalaman sa pagkakasangkot ni Estrada sa koleksyon ng jueteng payola.

Dahil dito, inakusahan ni Singson na takot ang mga Senador na pumapanig kay Estrada dahil pinipilit ng mga ito na ibahin ang usapin samantalang mas dapat aniya na pagtuunan ng pansin ng mga ito ang ibinubunyag niya at hindi ang kanyang pagkatao.

Bagaman umamin si Singson na isa siyang sugarol, sinabihan niya si Senador Miriam Defensor Santiago na isang ‘hipokrita’ dahil ayaw nitong ipaalam sa tao na malakas magsabong ang kanyang asawang si DILG Undersecretary Narciso Santiago.

Iginiit ni Singson na sinisira lamang ng mga kapartido ni Estrada ang kanyang kredibilidad kung kaya’t paulit-ulit at panlilito na lamang ang ginagawa ng mga ito.

Samantala, mariing pinabulaanan nina Presidentials son San Juan Mayor Jinggoy Estrada at Jude Estrada ang akusasyon na maging sila ay sangkot sa operasyon ng jueteng at tumatanggap ng milyong kita nito.

Ipinaliwanag ni Mayor Estrada na minsan lamang sila nagkita at nag-usap ni Singson at ito ay sa Kamayan restaurant kaugnay na rin ng prangkisa na ibinibigay ni Atong Ang na Bingo 2 ball. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ATONG ANG

DORIS FRANCHE

ESTRADA

ILOCOS SUR GOVERNOR LUIS

JUDE ESTRADA

MAYOR ESTRADA

PANGULONG JOSPEH ESTRADA

SAN JUAN MAYOR JINGGOY ESTRADA

SINGSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with