^

Bansa

Luzon sinakmal ng blackout

-
Sinakmal ng blackout ang malawak na bahagi ng Luzon kahapon na nagbunsod ng mga tsismis at ispekulasyon tulad ng pinangangambahang kudeta.

Naalarma ang maraming residente ng Metro Manila at ibang bahagi ng Luzon nang maputol ang serbisyo ng kuryente simula alas-5:40 ng umaga.

Pero idinahilan ng National Power Corporation ang technical problem sa transmission line nito mula Pangasinan hanggang Bulacan.

Tiniyak ni Energy Secretary at Napocor Chairman Mario Tioaqui na walang naganap na pananabotahe kaya walang dapat ipangamba ang publiko.

Sinabi rin ni Defense Secretary Orlando Mercado na, batay sa report sa kanya ni Napocor President Federico Puno, nasira ang 500 KB line mula sa Sual, Pangasinan hanggang sa San Jose, Bulacan kaya nagkaroon ng malawakang blackout sa Central Luzon, Southern Tagalog at Metro Manila.

Sinabi ni Puno na maaaring ganap na maibalik ng Napocor ang serbisyo ng kuryente bandang alas-10:00 o alas-11:00 ng umaga kahapon din.

Dahil sa blackout, ipinalabas ng Malacanang ang isang direktiba na nagsususpinde ng trabaho sa mga opisina ng pamahalaan na walang kuryente. (Ulat nina Joy Cantos at Lilia Tolentino)

vuukle comment

BULACAN

CENTRAL LUZON

DEFENSE SECRETARY ORLANDO MERCADO

ENERGY SECRETARY

JOY CANTOS

LILIA TOLENTINO

LUZON

METRO MANILA

NAPOCOR CHAIRMAN MARIO TIOAQUI

NAPOCOR PRESIDENT FEDERICO PUNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with