^

Entertainment

‘Extra rice killing and chicken rights’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Extra rice killing and chicken rights�

‘DOG is man’s best friend. CHICKEN is man’s best fried!’ —Ang Poet N’yo’(Dog painting by Ang Kiukok and Rooster by Antonio Austria)

Nabanggit ko na nung una at pangalawa

Nang Aurora Borealis ako’y makakita,

Naghalo panalangin at pagmumura!

Hanggang ngayon nga’y waring ‘di maka-move on pa!

 

Hindi at mahirap na mag-move on talaga

Lalo’t nag-MOVE at nagsayaw iyong nakita!

Pagsamahin mo man lahat ng namangha ka,

Mamumutla sa karanasang kakaiba!

 

Ibaba nating konti antas ng ligaya,

May ilan Ang Poet N’yo sa kanyang litanya,

Subalit ‘di tulad Northern Lights na dilat ka,

Dito naman sa sarap pipikit ang mata!

 

Ito ‘yung bawat tao ay may kanya-kanya,

Mga bagay na ‘di madalas marinig ba,

‘Di ito viaje o pagkain ng steak basta,

O pagpapak ng caviar o sa beach pagpunta!

 

Halimbawa isang araw ay naglinis ka,

Nang biglang lumang maong mong nawala na,

Na pinakapaborito mo nung araw s’ya,

Ay biglang tumambad at sa ‘yoy magpakita!

 

Yesss! Naturalmente LUMAPS at TUMABS ka na,

Kaya medyo sumikip at ‘di maisara!

Kaya pinadugtungan ng ilang pulgada,

‘Di ba langit na naman nang muling magkasya?!

 

Isang paborito magmula nang bata pa —

Pagkatay ng manok ito nakukuha,

Pag gilit-leeg dugo’y patutuluin ba,

Sa bigas at sa nilaga ay isasama!

 

Hayyy sarrrapp! Mga hita ng manok inyo na!

Mainit na sabaw at kanin lang ay pyesta!

Syempre DUGO NG MANOK na tila ba goma!

Isa sa peborit ko — ang CHICKEN DRACULA!

 

TILAOK TALK pa rin tayo’t meron pang isa —

‘Yun bang PINIKPIKAN kayo ba’y timitira?!

“Killing Me Softly” ang tawag namin sa kanya!

Kung gilit nung una … ito’y mas malupit pa!

 

Daraanan ng manok dito’y penitensya!

Kung tutuusin “Killing Me SLOWLY” talaga!

Pupukpukin dahan-dahan! Susunugin pa!

Babanlian ng mainit! Gilit huli na!

 

Katutubong Norte raw pinanggalingan n’ya,

Natikman nung Eat Bulaga nag-uumpisa!

Imadyinin n’yot magpo-forty years na pala!

Ngunit ‘di malimutan SUNOG n’yang lasa!

 

Pukpok mula palong hanggang sa adidas n’ya!

Habang alive ay tinatapakan mo s’ya!

Pukpok sa pakpak! Sa katawan at lahat na!

Walang dugong lalabas ‘di tulad nauna!

 

Hindi naman baseball bat ang gamit nga pala!

Dapat maliit lang para S-LOW-LY talaga!

Sandata pa yata nami’y aluminum pa!

Op kors tigil na kapag nakalupaypay na!

 

Mga kakaibang ligaya sa panlasa,

Karamihan sa lutong manok makukuha!

Hilamusan nga lang ng asin ay ayos na!

Pausukan lang sa lata ng gasolina!

 

Ayaw ko pa nga ng may mga sarsa-sarsa!

Aprub na nga sa akin piniritong nok-ma!

Ngek! Hindi kaya CHR ako’y ihabla?

As in CHicken Rights! Chicken Rice lang alam ko bah!

 

Ito ang KILLING na EXTRA RICE kailangan!

Kung may “kalupitan” ay pasensya na lamang,

Buti na nga lang ‘di naging babae tandang,

Dahil kung hindi ITLOG LAGING TATANGGALAN!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with