^

Bansa

Girian sa Korean Peninsula itigil!

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan kaha­pon ang Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) na itigil ang girian sa Korean Peninsula.

Sa nagkakaisang pahayag ng mga foreign mi­nisters ng member states ng ASEAN, kanilang ipinahayag ang kanilang ma­tinding pagkabahala sa tumitinding iringan sa pagitan ng South Korea at North Korea matapos ang magkasunod na nuclear test ng Nokor nitong 2016 at pagsasagawa pa ng mga ballistic missile.

Dahil dito, nanawagan ang ASEAN na itigil ng Nokor ang anumang marahas na hakbang na magiging dahilan ng digmaan. 

“ASEAN is mindful that instability in the Korean Peninsula seriously impacts the region and beyond,” ayon sa ASEAN statement.

Mariing hiniling ng ASEAN sa DPRK o Nokor na sumunod sa isinasaad sa resolusyon ng United Nations Security Council (UNSC) at sa international laws para sa interes ng pagpapanatili nang pangkalahatang kapayapaan at seguridad.

Hinimok din ng ASEAN ang Nokor at lahat ng partido na may kinalaman sa tension na panatilihin ang pagiging mahinahon upang mapahupa ang tensyon at itigil ang anumang aksyon na siyang magpapalala sitwasyon.

Sinabi pa ng nagkakaisang mga bansa sa  Southeast Asia na sinusuportahan nila ang “denuclearization” sa Korean Peninsula at hiniling na agad na magsagawa ng pag-uusap upang mapahupa ang sitwasyon sa rehiyon.

Sinusuportahan ng Amerikas ang South Korea sa anumang digmaan laban sa Nokor at sa katunayan ikinasa ang South Korea-US military drill.

Iniutos ni US President Donald Trump ang pagpapadala ng mga US guided missile at mga war ships sa karagatan ng Korean Peninsula bilang paghahanda sa anumang planong pag-atake ng Nokor sa South Korea. Inihayag ng US president sa isang ulat na handa silang makipagdigmaan sa Nokor.

Ipinadala rin ng Pentagon ang THAAD anti-ballistic missile system sa South Korea upang kontrahin ang patuloy na missile at nuclear test ng Nokor.

Dahil sa anila’y pakikialam ng US,  nanawagan na mismo ang Nokor ng suporta sa ASEAN upang mapigil ang anumang “nuclear holocaust” sa pe­ninsula.

Sa liham ng Nokor Fo­reign Ministry sa secretary general ng ASEAN, ini­hayag na nasa bingit ng digmaan ang Korean Peninsula.

Hiniling ng Nokor na pag-usapan sa ASEAN Summit ang tensyon sa Korean Peninsula at ang isyu ng US-South Korea military drill at gumawa ng kaukulang posisyon o paninindigan upang maisulong ang katatagan at kapayapaan sa Korean Peninsula.

 

vuukle comment

ASEAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with