All out war vs illegal gambling inilarga ng PNP
MANILA, Philippines - Target na tuldukan sa loob ng anim na buwan ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang laban sa lahat ng uri ng illegal na sugal sa bansa matapos na magdeklara ng all out war.
Ito ang sinabi ni Dela Rosa, alinsunod sa Executive Order No. 13 ipinalabas ni Pangulong Duterte matapos namang pansamantalang ipatigil ang giyera kontra droga ng PNP.
”The Philippine National Police will continue to hit hard on all forms of illegal gambling activities in line with Executive Order No. 13 issued by President Rodrigo Roa Duterte,” pahayag ni Dela Rosa.
Una nang ipinatigil pansamantala ni Pangulong Duterte ang giyera kontra droga ng PNP matapos na masangkot ang ilan nitong aktibong opisyal at tauhan sa pagdukot sa negosyanteng si Korean Jee Ick-joo noong Oktubre 18, 2016 sa Angeles City, Pampanga kung saan ang biktima ay pinaslang mismo sa Camp Crame.
- Latest