^

Police Metro

82-anyos na lola todas sa sunog

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 82-anyos na lola ang nasawi nang ito ay makulong sa nasusunog niyang bahay matapos balikan ang ilang gamit naganap kahapon ng hapon sa Tondo, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Lorenza Calimag, ng no. 1255 Madrid St., Tondo.

Batay sa ulat, nagsimula ang sunog dakong ala-1:00 ng tanghali sa bahay ng isang Arlene Jimenez sa Morga St. 

Mabilis ang  pagkalat ng apoy sa apat pang kabahayan dahil sa mga nakaimbak na tela.

Nabatid na nakalabas na ang biktima subalit nagbakasali na makapaglabas pa ng ilang gamit, kaya’t bumalik ito, subalit sa lakas ng apoy at usok ay na-suffocate na hinihinalang inatake na rin sa puso.

Umabot sa ika-3 alarma ang sunog na idineklarang fire-out ala 1:43 ng hapon.

Tinatayang nasa P2-milyon ang halaga ng natupok na ari-arian.

vuukle comment

LORENZA CALIMAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with