2 patay, 2 sugatan sa pamamaril
MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang nasawi habang dalawa ang sugatan sa magkahiwalay na pamamaril sa Quezon City.
Nakilala ang mga nasawi na sina Rocky Boy Ortega, 29, binata ng Area 5-A, Sitio Cabuyao ng Brgy. Sauyo; at Jomar Palomar, 22, ng no. 155 Olivas St., Brgy. Pasong Tamo, QC.
Habang ang dalawang sugatan ay nakilalang sina John Paul Salidaga, 24, ng Old Cabuyao, Barangay Sauyo; at Judy Ann Esquilo-na, 19, dalaga ng Nawasa Line Barangay Pasong Tamo.
Unang naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling araw nang barilin ang mga biktimang sina Ortega at Salidaga sa may Avocado St.,Old Cabuyao, Brgy. Sauyo ng dalawang hindi pa kilalang suspek sa isang madilim na eskinita.
Ang ikalawa ay naganap dakong ala-1:48 ng mada-ling araw habang bumibili sa isang tindahan sina Palomar at Esquilona sa may kahabaan ng Luzon Avenue kanto ng Olivas St., Brgy. Pasong Tamo ng dumating ang isang kulay puting van at dito ay bumaba ang apat na suspek at pinagbabaril ang dalawa.
Narekober sa crime scene ang 11 basyo ng bala, dalawang piraso ng tingga ng bala at isang basag na glass tube na may bakas ng marijuana.
- Latest