^

Metro

Ginang na nanloko sa 58 katao, timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bagsak sa kulungan ang isang ginang na nakatangay ng milyun-milyong halaga sa 58-tao na kanyang niloko nang bentahan ng mga lote gamit ang isang pekeng foundation, kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.

Kinasuhan ng multiple counts ng estafa ang suspek na si Beatriz Bondial, 52, ng Block 2, Lot 8,Thunderbird Street, Zabarte Subdivision, Caloocan City.

Batay sa ulat,dakong alas-3:00 ng hapon kama­kalawa nang maaresto si Bondial ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section sa bisa ng warrant of arrest sa kasong estafa sa operas­yon sa Silver Eight Bridge Treasure Subdivision, sa Brgy.167 Llano, Caloocan City.

Nang malaman na na-dakip si Bondial, sumugod sa istasyon ng pulisya ang nasa 58 na naging biktima buhat sa Novaliches, Quezon City; Valenzuela City at Caloocan City.  Nabatid na nagbebenta umano si Bondial ng mga lote sa iba’t ibang subdibisyon gamit ang “Ilaw ng Dahon Foundation Inc.” at naga­wang makapaningil ng mula P52,000 hanggang P420,000 sa kanyang mga biktima.

Kabilang sa mga biktima ay si Juanito Alquiroz, 67, na natangayan ng P140,000 para sa inialok sa kanyang 32-sq.m. na lote sa isang subdibisyon sa Llano, Caloocan City at si Remy Quing na nakapagbigay naman umano ng P420,000 para sa tatlong lote sa may Sto. Cristo, San Jose Del Monte, Bulacan.

Bukod sa kasong criminal na estafa, nakatakdang magsampa rin ng reklamo ang mga biktima sa Hou-sing and Urban Development  Coordinating Council (HUDCC).

vuukle comment

SILVER EIGHT BRIDGE TREASURE SUBDIVISION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with