Lady Falcons pasok sa F4
MANILA, Philippines - Ipinoste ng six-time champion na Adamson University ang 15-1 panalo laban sa University of the Philippines para makabawi sa una nilang kabiguan sa UAAP Season 79 softball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium.
Matapos ang 0-1 pagkatalo sa University of Santo Tomas sa pagsisimula ng second round na tumapos sa kanilang six-game winning run noong Huwebes, naibalik ng Lady Falcons ang kanilang hitting game para angkinin ang unang Final Four slot.
Itinaas ng Adamson ang kanilang league-best record sa 7-1 at tatargetin ang isa sa dalawang ‘twice-to-beat’ incentive.
Iginupo naman ng National University ang De La Salle, 9-3, at tinalo ng University of the East ang Ateneo, 10-0.
Pinaganda ng Lady Bulldogs ang kanilang baraha sa 6-1.
- Latest