^

PM Sports

Accel-PBA Press Corps Player of the Week

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kung hindi niya naipa-kita ang kanyang potensyal sa Globalport bilang rookie noong 2015 ay unti-unti nang nagagawa ito ni Roi Sumang sa Blackwater.

Sa 103-100 paglusot ng Elite laban sa Alaska Aces noong Linggo ay tumapos si Sumang na may 19 points kung saan ang 17 dito ay kanyang iniskor sa second half.

Ang pang-limang panalo ng Blackwater sa siyam na laro ang nagpalakas ng kanilang pag-asa para sa isang tiket sa eight-team quarterfinal round ng 2017 PBA Philippine Cup.

Hinugot ang 26-anyos na playmaker bilang 27th overall ng Batang Pier noong 2015 at napanood lamang sa 27 laro sa maliit na playing time na 8.4 minutes per game.

Sa kanyang paggiya sa Blackwater sa panalo sa Alaska ay hinirang si Sumang bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week at tinalo sina Philip Paniamogan, June Mar Fajardo, Terrence Romeo, Joe Devance, Allen Maliksi at center Ian Sangalang at Calvin Abueva. (RC)

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with