^

Pang Movies

Coco nanlamig kay Julia dahil kay Yassi

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mukhang matutuldukan na ang relasyon nina Julia Montes at Coco Martin matapos mabulgar na type ng actor si Yassi Pressman. Nabuko tuloy na ito ang dahilan kaya mukhang nanlamig ang pagtitinginan nina Julia at Coco.

Well, sa isang banda sabi naman ng mga maka-Julia, maganda hangga’t maaga na malamang wala naman palang kapupuntahan ang  pakulong niluluto ng kumpanya para sa dalawa. Naguguluhan din ang marami. Iisipin daw na atat na atat ang actor kay Julia pero wala naman pala. 

Lalo’t nabanggit ni Coco na after five years pa marahil bago siya mag-asawa. Ngayon ay lalong bukas na ang pintuan para sa mga gustong pumorma sa dalaga. 

Nakakahinayang naman baka may lalaking higit pa ang katangian kay Coco na nagkakagusto kay Julia, mabuti na lang at wala na sa poder ng Star Magic ang dalaga at nasa Cornerstone na. Puwede na niyang pangalanan kung sino ba talaga ang lala­king minamahal niya. Sayang naman kasi ang beauty ni Julia kung naghihintay lang sa wala.

Akting nina Vin at Sophie hahatulan na

Dahil kay Direk Gil Portes, natupad ang pangarap nina Sophie Albert at Vin Abrenica na makaganap bilang lead role sa pelikulang Moonlight Over Baler. Ang tagal na naman kasing naghintay ng dalawa buhat noong manalo sa Artista Academy ng TV5. Sa rami ng mga ipinakilalang promising stars sa naturang network para namang unti-unti silang nawawala.

Ilan sa kanila ay si­nuwerteng nabigyan ng trabaho ng ibang network. Sa pelikulang Moonlight Over Baler, ginampanan ni Sophie ang role ng batang si Elizabeth Oropesa.  Gaganap naman ng dual role si Vin.

Istorya ito ng isang guro at ng kanyang pag-ibig sa isang sundalo na hindi na niya nakitang muli pagkatapos ipadala sa giyera.

Hindi aakalain ng guro na pagkalipas ng maraming taon ay muli niyang makikita ang lalaking kahawig na kahawig ni Vin na isa nang Japanese photographer.

Isang magandang pelikula ito na bagay na bagay kay Beth. Nabigyang buhay niya ang papel na hinahanap ni Direk Gil at script ni Eric Ramos.

Ipalalabas sa February 8 ang pelikula at makakasama rin nina Sophie at Vin sina Daria Ramirez at Ellen Adarna.

Well, mahahatulan na ang acting nina Sophie at Vin kung makakapasa ba sa panlasa ng masa.

                                               

 

vuukle comment

COCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with