^

Bansa

2018 nat’l budget isinumite sa Kongreso

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
2018 nat�l budget  isinumite sa Kongreso

 Ayon kay House Appropriations chairman at Davao Rep. Karlo Nograles, ang panukalang P3.767 Trillion national budget para sa susunod na taon ay kumakatawan sa 12.4 percent increase sa general appropriations nitong 2017 at kailangan para pantulong sa reform at transform agenda ng Pangulo. Michael Varcas, File

MANILA, Philippines -  Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsumite sa Kongreso ng 2018 National budget matapos ang dalawang oras na State of the Nation Address niya kahapon.

 Ayon kay House Appropriations chairman at Davao Rep. Karlo Nograles, ang panukalang P3.767 Trillion national budget para sa susunod na taon ay kumakatawan sa 12.4 percent increase sa general appropriations nitong 2017 at kailangan para pantulong sa reform at transform agenda ng Pangulo.

 Sa 37 pahinang budget message ni Pangulong Duterte sa bansa, sinabi niya na kailangan ng bansa ang  “activist budget” para matugunan ang pangangailangan ng taumbayan .

 Sa ilalim ng panukalang P3.767 trillion budget, ang edukasyon pa rin ang makakatanggap ng pinakama­laking pondo na P691 billion na mas mataas na P41.7 billion budget  nitong 2017.

Ang build, build build program ng administrasyong Duterte naman ang matutukan ng mabuti sa susunod na tao, ayon kay Nograles, dahil P1,097 trillion ang pondong ilalaan dito kaya matutukan ang infrastructure projects sa Mindanao sa pamamagitan ng P23.6 billion budget para sa Mindanao Logistics Infrastructure Network na mas mataas ng 10.3%  kumpara noong 2017.

Bukod dito patuloy pa rin ang laban kontra droga sa paglalaan ng mas mataas na budget sa law enforcement na umaabot sa P131.5 billion kung saan ang P1.4 bilyon ay gagastusin para sa pag-hire sa may 10,000 bagong mga pulis.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with