^

Para Malibang

Misis Nalalason ng Selos

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Sampung taon ang tanda ko sa mister ko. Lagi po akong binabagabag ng pagseselos na may ibang mahal ang aking mister. Sa tuwing papasok sa opisina ang asawa ko, laging naglalaro sa aking isip na baka may kinakatagpo siyang iba. Kapag ginagabi ng dating ang mister ko, hindi ko maiwasan na sitahin siya kung saan siya nanggaling at kadalasan, minamasama niya ang pagtatanong ko para raw wala akong tiwala sa kanya. Kung minsan nauuwi ito sa pag-aaway namin. Ano kaya ang dapat kong gawin para matiyak na ako lang ang mahal ng aking mister at wala nang iba sa kanyang buhay? Asahan ko po ang inyong kasagutan. - Milda

Dear Milda,

Ang pagseselos ay tanda ng pagmamahal. Pero kung ito ay wala sa lugar dahil walang basehan, baka mauwi ‘yan sa tunay na pagloloko ng asawa mo. Ang nadarama mo’y insecurity o kawalan ng tiwala sa sarili na walang basihan ang siyang lumalason sa iyong isipan. Kapag umibig sa isang tao, kasama ang buong tiwala sa taong mahal natin. Kaya magtiwala ka sa asawa mo maliban na lamang kung may matutuklasan kang katibayan na talagang may babae nga siyang iba. Kung mangyari ‘yun, magpakahinahon ka at daanin sa mabuting usapan ang pagresolba sa problema.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

vuukle comment

MISTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with