^

PSN Showbiz

AiAi hindi inasahan ang alokna kasal ni Gerald!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Mukhang matutuloy na ang church wedding ni AiAi delas Alas at ng kanyang boyfriend na si Gerald Sibayan sa 2018 dahil nag-propose na ito sa Comedy Queen noong Holy Week.

May mga mahadera na nag-emote na bakit Semana Santa nang mag-propose si Gerald? Bakit ba marunong pa sila eh nagkataon na pumatak ng Semana Santa ang 3rd anniversary ng boyfriend-girlfriend nina AiAi at Gerald?

Hindi naman inaasahan ni AiAi na mag-aalok na ng kasal si Gerald dahil nang huli kaming magkausap, may mga agam-agam pa siya na magpakasal.

Gusto kasi ni AiAi na kung magkakaroon ito  ng church wedding, sigurado na siya na forever na ang relasyon nila ng lalake na pakakasalan niya.

Malaki ang agwat ng edad nina AiAi at Gerald pero very responsible ito at mature na ang pag-iisip. Totoong-totoo  sa love affair nila ang kasabihan na age doesn’t matter.

AiAi ‘di na nagpagalaw pagkatanggap ng Papal Award 

Mula nang maging Papal Awardee si AiAi, wala na silang physical intimacy ni Gerald. Ganoon katindi ang pagpapahalaga niya sa award na natanggap niya mula sa Vatican.

Lalong nadagdagan ang pagmamahal at respeto ni AiAi kay Gerald dahil naunawaan nito ang sitwasyon.

Kulang na lang na kumanta si Gerald ng “If it takes forever, I will wait for you.”

Aminado si AiAi na sa lahat ng mga nakarelasyon niya, si Gerald ang kanyang soulmate.

Aljur dedma pa rin kay Robin

Ang magsilang sa Pilipinas ang kanyang anak na si Queenie ang hiling ni Robin Padilla dahil gusto niya na maging Filipino citizen ang kanyang apo.

Usama Mira ang name ng Pakistani husband ni Queenie na tinalikuran noon ang showbiz kapalit ang tahimik na buhay.

Nauna na nag-artista si Queenie at sumunod si Kylie pero mas sineryoso nito ang pag-aartista. Kung hindi naman nabuntis si Kylie, siguradong active pa rin siya sa showbiz at napapanood sa Encantadia.

Halos magkasunod na manganganak sina Queenie at si Kylie kaya dalawa agad ang magiging apo ni Robin ngayong 2017. Hindi rin magkakalayo ang mga edad ng mga coming soon grandchildren ni Robin at ni Isabella, ang anak ng aktor sa kanyang misis na si Mariel Padilla.

Hanggang ngayon, hindi pa yata nagbibigay-pugay si Aljur Abrenica kay Robin kaya hindi ito masisisi kung pinupuri niya ang son-in-law na Pakistani.

Sinabi ni Robin sa isang interbyu na “Walang pinakamasarap sa isang ama kundi may magiting na lalaking kakatok sa pintuan mo at sasabihing ang kamay ng inyong dalaga’y akin at handa ako na maging responsible at ibigay sa kanya ang buhay na ibinigay n’yo.

“’Yun ang matindi dun, ‘yung kayang pantayan ang ibinigay kong buhay kaya ako na ang pinakamasayang tao at lalong-lalo na si Queenie ay five months (pregnant) na rin.”

May napa-ouch para kay Aljur dahil sa makahulugan na statement ni Robin na napakadali naman na  i-please. Tatay si Robin kaya natural lang na maghanap siya ng respeto mula sa mga karelasyon  ng kanyang mga anak na babae.

May mga nagsasabi na baka naghihintay si Aljur ng perfect timing bago makipag-usap kay Robin. Hindi na tinantanan si Aljur ng kontrobersya mula nang mabuntis niya si Kylie dahil biglang lumitaw ang isyu ng paniningil sa kanya ni Kaye Dacer na hoping na mababayaran ng aktor ang P1.3 million na balanse sa bahay na ipinagbili niya. Hindi na rin ni-renew ng GMA-7 ang kontrata ni Aljur na nag-expire noong March 2017.

vuukle comment

AIAI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with