^

Probinsiya

5 bata nilamon ng ilog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Trahedya ang paggunita sa Semana Santa ng dalawang pamilya makaraang malunod ang limang magkakapatid sa malalim na ilog sa Barangay Doña Anecita, bayan ng Pambujan, Northern Samar noong Lunes. Kinilala ang mga namatay na sina Janella Suansing, 10; John Cedric Suansing, 7; Johnprix Suansing, 5; ang magkapatid na John Jossel Galliardo, 3; at John Felix Galliardo, 2. Ayon sa ulat ng Northern Samar Police na nakarating sa Camp Crame, nagpaalam ang mga bata na maliligo sa ilog na may ilang metro lamang ang layo sa kanilang bahay. Gayunman, mag-aalas-12 na ng tanghali ay hindi pa umuuwi ang mga biktima kung saan napadaan sa lugar ang isang mangingisda na nakita ang katawan ng mga biktima na lumulutang sa ilog. Agad namang napasugod ang mga magulang ng bata na iniahon at naisugod sa pagamutan ay idineklarang patay. Pinaniniwalang napadako sa malalim na bahagi ng ilog si John Felix kaya pinagtulungang sagipin ng mga nakatatanda subalit sabay-sabay din nalunod.

vuukle comment

JANELLA SUANSING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with