^

Metro

3 ‘tirador’ ng side mirror, timbog

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Dinakip ng mga tauhan ng Quezon City Police District-Galas Station  ang tatlong katao makaraang masamsaman ng dalawang sako ng ibat- ibang uri ng side mirror ng mga sasakyan sa isinagawang operasyon ng mga pulis sa kahabaan ng Banawe, Brgy. Tatalon sa lungsod.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina  Roel Suicon, 27, Mark Teologo, 36, at Gerald Abaja, 36.

Ayon kay Supt. Christian dela Cruz ng Galas Police,  ang tatlo ay   naaktuhan ng mga tauhan na  nagnanakaw ng mga side mirror sa mga nakaparadang mga sasakyan sa kahabaan ng Banawe Street, Brgy. Tatalon Quezon City.

Anya,  naglunsad sila ng operasyon laban sa mga kawatan na nagnanakaw ng mga side mirror sa lugar makaraang makatanggap ng tip mula sa isang concerned citizen hinggil sa ginagawang modus operandi ng tatlong naarestong kalalakihan.

Bukod sa dalawang sako ng nakaw na  side mirror ay   nakuhanan pa ang mga ito ng 3 sachet ng hinihinalang shabu.

Ang tatlo na nakapiit na sa Galas Police Station at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

vuukle comment

ROEL SUICON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with