^

Probinsiya

Lady trader pumalag sa holdap, inutas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Patay ang isang 52-an­yos na negosyanteng babae nang pumalag sa holdap at pagsasaksakin ng dala­wang salarin sa Balangay 1-B, Poblacion, Quezon, Bukidnon, kamakalawa ng hapon. Kinilala ang nasawi na si  Marcelina Buhian, ng Balangay 6, Poblacion ng bayang ito. Nagtamo ng tatlong malalalim na saksak sa katawan at dalawa sa kaliwang braso ang ginang na idineklarang dead-on- arrival sa Saint Claire Hospital. Sa ulat ng Bukidnon Police, ala-1 ng hapon habang kagagaling lamang ng biktima at mister nitong si Marlon Buhian sa ASA Philippines sa nasabing lugar nang harangin ang motorsiklong sinasakyan nila ng magkaangkas ding suspek sa Bajaj motorcycle. Gayunman, tumanggi ang biktima na ibigay ang kanyang bag na naglalaman ng P82,000 kaya  pinagsasaksak ng isa sa suspek. Nang makuha ang pera, mabilis na nagsitakas ang mga salarin habang hindi sinaktan ang mister ng biktima.

vuukle comment

MARCELINA BUHIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with