^

Probinsiya

2 magsasaka nagduwelo: 1 todas

Francis Elevado, Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  - Kamatayan ang sinapit ng isang magsasaka nang pagtatagain ng kapwa magsasaka na hinamon niya nang duwelo sa Sitio Cambilaga, Brgy. Lagta,  Baleno, Masbate kamakalawa ng gabi. Agad na namatay dahil sa rami nang taga na inabot ng kanyang katawan ang biktimang si Dominador Rapsing, 40 anyos, ng Brgy. Cagpandan habang sumuko naman sa rumespondeng mga barangay tanod ang suspek na si Gaspar Drio, 33 anyos, ng Brgy. Lagta sa naturang bayan. Sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi, sinugod ng lasing na biktima ang suspek sa bahay nito at nanghamon ng duwelo habang nakabunot ang isang kamay sa dala nitong sling bag. Umiwas naman umano ang suspek sa paghahamon ng biktima pero hindi siya tinigilan sa pangungulit na magduwelo sila kaya’t kumuha na siya ng itak at pinagtataga ang biktima na agad nitong ikinamatay.

vuukle comment

DOMINADOR RAPSING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with