^

PM Sports

Phoenix wagi sa Ginebra sa Davao

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinailangan ng Fuel Masters ang pagbibida nina rookie guard Matthew Wright at import Jameel McKay sa dulo ng final canto para malusutan ang Gin Kings.

Kumamada si Wright ng 27 points, kasama dito ang 3-of-7 shooting sa three-point line, bukod pa sa 6 rebounds at 3 assists, habang may 15 markers si McKay para sa 94-91 panalo ng Phoenix laban sa Barangay Ginebra sa 2017 PBA Commissioner’s Cup sa University of Southeas-tern Philippines Gym sa Davao City kagabi.

Ito ang ikalawang panalo ng Fuel Masters sa apat na laro, habang kaagad nalasap ng Gin Kings ang kabiguan sa una nilang laro sa torneo.

Itinala ng Phoenix ang 11-point lead, 44-33, mula sa dunk ni JC Intal sa mukha ni balik-import Justin Brownlee sa 4:46 minuto ng second period.

Naagaw naman ng Ginebra ang 76-72 kala-mangan sa 8:42 minuto ng fourth quarter.

Ang jumper ni Japeth Aguilar ang nagbigay sa Gin Kings ng 91-90 bentahe sa huling 1:45 minuto ng laro bago naisalpak ni McKay ang isang putback para itaas ang Fuel Masters sa 92-91 sa nala-labing 18.6 segundo.

Samantala, kaagad makakatapat ng San Mi-guel, naghari sa naka-raang PBA Philippine Cup, ang nangungunang Meralco sa unang laro ni-la sa komperensya.

Magtatagpo ang Beermen at ang Bolts nga-yong alas-6:45 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Umiskor ang Meralco ng 89-83 panalao laban sa nagdedepensang Rain or Shine kung saan kumolekta si import Alex Stepheson ng 21 points at 15 rebounds, habang nagtala si guard Baser Amer ng 17 markers at 11 boards.

Sa unang laro sa alas-4:30 ng hapon ay tatarge-tin ng Alaska Aces ang kanilang ikatlong dikit na panalo kontra sa Elasto Painters.

PHOENIX 94 - Wright 27, McKay 15, Baguio 13, Jazul 9, Torres 7, Kramer 6, Borboran 5, Alolino 4, Intal 4, Eriobu 2, Miranda 0, J. Wilson 0, Viernes 0.

Ginebra 91 - Aguilar 15, Devance 15, Tenorio 13, Brownlee 12, Cruz 10, Ellis 9, Caguioa 8, Thompson 5, Marcelo 2, Taha 1, Ferrer 1, Mariano 0.

Quarterscores: 26-24; 49-46; 70-71; 94-91.

vuukle comment

JAMEEL MCKAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with