^

Pang Movies

Jericho at Bela may pinakawalang banta

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Naloka ang madlang-bayan sa banta na mamalasin sa lovelife ang mga hindi manonood ng Luck at First Sight, ang pelikula nina Jericho Rosales at Bela Padilla na ipalalabas sa cinemas nationwide sa May 3.

Na-postpone ang playdate ng Luck at First Sight noong March 22 dahil sa pagpanaw ng tatay ni Jericho Rosales.

Hindi madali na maghanap ng bagong playdate kaya ang May 3 ang final choice ng Viva Films.

Proud si Bela dahil may kontribusyon siya sa kuwento ng unang movie project nila ni Jericho. Nursing a broken heart si Bela habang ginagawa niya ang Luck at First Sight dahil naghiwalay sila ng kanyang boyfriend na si Neil Arce.

Kahit nag-break ang dalawa, madalas ang kanilang pagkikita dahil nagbabantay si Neil sa set bilang co-producer siya ng Luck at First Sight. Hindi masabi nina Bela at Neil kung may magaganap na reconciliation dahil sa ngayon, ang Luck at First Sight ang sentro ng kanilang atensyon.

Relasyon ng actor sa bakla nabuko sa tattoo

Identical ang mga tattoo sa bisig ng aktor at ng mhin na nakikita na madalas na kasama niya.

Matagal nang pinaghihinalaan na may gay relationship ang dalawa pero dedma ang aktor dahil ayaw nito na nalalaman ng publiko ang mga nagaganap sa kanyang discreet lovelife na ipinagkakanulo ng kanilang kambal na tattoo.

Agimat ni Mang Ramon mabisa pa!

Nagpapasalamat si Bong Revilla, Jr. at ang Revilla family sa lahat ng mga nagdasal para sa mabilis na paggaling ni former Senator Ramon Revilla, Sr. na muling na-confine sa ospital, isang araw matapos mag-celebrate ng 90th birthday niya noong March 8.

“Praise God, our Daddy is now well and out from the hospital!

“Thank you, Lord, for Your blessing of healing and good health for our father. 

“Thank to all the doctors, nurses and staff of St. Luke’s Taguig for your intellect, patience and perseverance in work for our father’s medical needs.

“At higit sa lahat, maraming-maraming salamat po sa inyong mga dasal na gumaling siya. At sana ay patuloy natin ipagdasal ang lubusan n’yang paggaling at paglakas.”

“Ang sambayanang Pilipino, higit sa lahat ang mga kapwa nya mga Kabitenyo, ang s’yang patuloy na nagbibigay lakas sa kanya sa tuwing siya ay na-o-ospital.

“Sa pagkakataon na ng pagkaka-ospital n’ya ay tumagal ng 20 araw (ipinasok sya noong March 9) pagkatapos ng selebrasyon ng kanyang ika-90 kaarawan noong March 8, ay nabahala kami ng todo, pero siya mismo ang malakas ang loob at nagsabing gagaling siya. Gumana na muli ang Agimat ng Agimat Ng Masa!,” ang taos-puso na pasasalamat ni Bong sa lahat ng nagmamahal sa  kanyang pamilya, especially, kay Mang Ramon na kumbinsido ako na may taglay na agimat dahil nalalampasan niya ang lahat ng mga pagsubok.

vuukle comment

JERICHO ROSALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with