^

PSN Opinyon

EDITORYAL - I-phase out mgasasakyang nagdudulot ng air pollution

Pilipino Star Ngayon

Maraming lumang sasakyan sa Metro Manila at ang mga ito ang nagdudulot ng air pollution. Kabilang sa mga sasakyang ito ang mga kakarag-karag na dyipni na may 15 hanggang 20 taong gulang na. Huwag nang mag-urung-sulong ang LTFRB sa balak na pag-phase out sa mga lumang jeepney kung nais nilang masolusyunan ang grabeng pollution sa Metro at karatig na siyudad. Bukod sa pollution, ang mga lumang jeepney din ang dahilan ng mga malalagim na aksidente sapagkat gastado na ang preno dahilan para araruhin ang pedestrians at mga bahay.

Noong Lunes, nagsagawa ng strike ang mga samahan ng jeepney drivers at operators na pina­ngu­nahan ng Piston at No Jeepney Phase Out Coa­lition. Hindi raw makatao ang phase out ng mga lumang jeepney. Dapat daw ay i-rehabilitate ang mga jeepney para hindi mawalan ng ikabubuhay ang mga driver. Nagbanta ng mga susunod pang strike ang Piston at iba pang transport group. Pero sabi ng LTFRB, tuloy ang phase out ng mga kakarag-karag na jeepney at iba pang lumang sasakyan.

Tama lamang na ituloy ang phase out ng mga lumang sasakyan lalo ang jeepney para maging malinis ang hangin. Ayon sa DENR, 80 porsiyento­ ng emissions o usok ay galing sa mga tambutso ng sasakyan particular sa jeepneys. Sila ang luma­lason sa hangin na dahilan ng pagkakasakit at kamatayan nang mga tao. Paggising sa umaga, hanging may lason na ang nalalanghap. Ang mga sakit na nakukuha sa maruming hangin ay pulmonya, bronchitis, asthma, istrok at atake sa puso. Sa isang pag-aaral ng UP-Diliman, ilang taon na ang nakalilipas, maaaring hindi na raw matirahan sa mga susunod na panahon ang Metro Manila dahil­ sa grabeng air pollution.

Dapat magtulung-tulong ang LTFRB, DENR, LTO at MMDA para tuluyang mawalis sa kalsada ang mga lumang sasakyan na nagdudulot ng air pollution at malalagim na trahedya. I-phase out ang mga karag-karag na sasakyan.

vuukle comment

AIR POLLUTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with