^

Bansa

Drug war ibalik!

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nanawagan si Sen. Alan Peter Cayetano kay Pa­ngulong Duterte at sa Philippine National Police (PNP) na ilunsad muli ang sinuspindeng kampanya laban sa illegal drugs.?

Ginawa ni Sen. Cayetano ang apela kamakalawa ng gabi sa harap ng libo-libong supporters ni Pangulong Duterte na nagtipon-tipon sa Luneta.?

“Ngayong gabi ako ay nakikiusap sa ating Pa­ngulo at sa PNP na i-relaunch niyo ang inyong anti-drug drive,” wika ni Cayetano.?

Sinabi ni Cayetano, nakatanggap siya ng mga sumbong na muling bumalik ang mga pushers matapos suspindihin ni Pangulong Duterte ang anti-illegal drugs campaign ng PNP at ipinaubaya ito sa PDEA.?

“Sir, simula nung sinuspinde ang [Oplan] Tokhang maraming pusher ang bumalik,” sabi ni Cayetano claimed. “Totoo ba? Sa inyong lugar bumalik ang mga pusher?”?“’Pag bumalik ang pusher, kasama na diyan ang patayan ng inosente, kasama na diyan ang rape, ang nakawan.”

Idineklara din ni Cayetano na kapag muling binuhay ang kampanya ni Duterte ay kikilalanin ito bilang people’s war laban sa illegal drugs.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with