^

Pang Movies

Andrea lumalim ang acting!

Vir Gonzales - Pang-masa

Kung kailan nagtapos na ang seryeng Alyas Robin Hood ay saka pa biglang kumalat ang balitang nasapawan ni Andrea Torres ang dating Miss World na si Megan Young  sa aktingan at pati na sa paseksihan.

Lumulutang kasi ang acting ni Andrea, bagay na ikinalalamang niya kay Megan.

Ang nakakatuwa, parehong produkto ng Star Magic ang dalawa pero parehong sa Kapuso Network gumawa ng pangalan.

Noon pa man ay halatang magaling nang umarte si Andrea. Buhat nang ma-link siya sa boyfriend niyang si Sef Cadayona ay napansing lumalim yata ang acting ng dalaga. Noon kasi, pulos pa-beauty at patawa-tawa lang ang role niya.

Well ngayon malaki ang tiwala ng Kapuso kay Andrea at baka mabigyan muli siya ng magandang papel.

Magaling ding umarte si Megan kaya lang daw, parang laging may nakaputong na korona sa kanya.

Jessy insecure pa rin kay angel?!

Parang may teleserye o pelikulang gagawin sina Luis Manzano at Jessy Mendiola dahil maingay na maingay pa rin ang kanilang relasyon.

Animo’y malapit na silang ikasal at marami ang natutuwa lalo na ang mga Vilmanian na iisa lang ang panalangin, na sana ay matuloy na sa harap ng altar sina Jessy at Luis.

Alam kasi ng Vilmanians na sabik na sabik nang magkaroon ng apo ang idolo nilang si Cong. Vilma Santos.

Sana raw ay magkatuluyan ang mag-sweethearts dahil kawawa naman daw si Ate Vi kung palagi na lang daw itong aasa.

May nagtatanong, bakit daw kaya parang insecure pa si Jessy kay Angel Locsin gayung boyfriend naman na nito si Luis?

Janine mas sinuwerte nang makawala kay Elmo

Mabuti naman at nakawala na si Janine Gutierrez sa dating ka-loveteam na si Elmo Magalona.

Wala raw kasing nangyari sa loveteam ng dalawa noon subalit ngayon ay humihirit na sa aktingan si Janine sa serye nitong Legally Blind directed by Ricky Davao. At mas blooming din daw ngayon si Janine.

Marami ang nagkomento, mana raw si Janine sa kahusayan ni Superstar Nora Aunor at sa kagandahan naman ng lolang si Pilita Corales.        

 

 

vuukle comment

ROBIN HOOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with