^

Pang Movies

Gerald kay bea na lang nakapokus!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Obvious na nakatuon na kay Bea Alonzo ang puso’t isipan ni Gerald Anderson, bilang kanyang future wife.

But neither of them would admit kung sila na nga ngayon. Bagama’t may balitang magkasama sila last Valentine’s Day.

Parehong busy sina Bea at Ge­rald sa ngayon.

May ongoing series si Bea na A Love To Last samantalang may upcoming teleserye naman si Ge­rald kasama ang kanyang dating ka-love team na si Kim Chiu, ang Ikaw Lang Ang Iibigin.

Joshua at Julia hihiwalay na kay ronnie

Masaya at honored daw siya, ayon sa dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Joshua Garcia, dahil niri-refer siya bilang ang batang John Lloyd Cruz.

But, deep inside raw, umaasa at dalangin niya na makilala at sumikat siya, bilang siya, bilang Joshua Garcia.

As it is nga naman. Halatang Joshua is doing his best na mai-prove that he has what it is to be a good actor.

Kahit nga si Sylvia Sanchez, na gumaganap bilang kanyang lola sa The Greatest Love, ay hanga sa kanya. Lalo na si Dimples Romana, na gumaganap naman na nanay niya.

Marami ang humanga sa kanyang performance bilang manliligaw ni Julia Barretto sa Vince & Kath & James, na top grosser noong nakalipas na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016.

Ito nga raw ang dahilan kung bakit may nilulutong pelikula ang Star Cinema na pagbibidahan nina Julia at Joshua.

Ngayon pa lang, from what little earnings na nagkaroon siya, nakabili na raw ng lupa si Joshua, na kapag nakaipon siya muli ay patatayuan naman niya ng two storey house.

Balak daw kasi niya at ng kanyang papa na ga­wing restaurant, kahit ba maliit lang, ang first floor. Nang may mapagkaabalahan daw ang kanyang ama, na mahusay magluto.

Well, good luck, Joshua.

Sen. Leila pinayuhang gayahin si Bong

Nakakatuwa naman ang reaction ni dating Senador Bong Revilla sa kasalukuyang kaganapan nangyayari kay Senator Leila de Lima, who, we all know, had a hand sa pagkakakulong nila ng kanyang best friend at former fellow senator na si Jinggoy Estrada.

Nearly three years na rin na nakakulong ang dala­wa sa PNP Custodial Center pero hanggang ngayon, wala pang linaw kung ano’ng fate ang naghihintay sa kanila.

Kaya ang advice ni Sen. Bong kay Sen. De Lima, ay manatili itong kalmado until the proper forum come up with a decision on her case.

Pinayuhan din siya ni Sen. Bong na magdasal tulad ng ginawa niya (Bong) katulong ng mga taong naniniwalang hindi magtatagal at sila ni Sen. Jing­goy ay parehong makakalaya.

Amen, Sen. Bong.

Boybandph humahamig ng maraming tagahanga

Sobra, Salve A., na nakakatuwa ang popula­rity na nakuha kaagad ng limang naggagwapuhang miyembro na bumubuo ng ngayo’y kilala nang BoybandPH.

Aba, selling like hotcakes ang kanilang unang album. Bukod sa in-demand sila for personal appearances sa iba’t ibang sulok ng bansa.

No wonder na sa unang self-titled album ni Jona ay may partisipasyon sila ng kanilang sariling bersyon ng Till The End of Time.

At huwag kaligtaan na tuwing Linggo, napapanood din natin sila sa ASAP, ang po­pular noontime program ng ABS-CBN.

Ang limang members ng BoyBandPH ay sina Niel Murillo, Tristan Ramirez, Ford Valencia, Russell Reyes at Joao Constancia.

 

 

 

 

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with