^

Metro

MRT-3, dalawang beses tumirik

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lunes ng umaga, habang rush hour ay dalawang tren ng Metro Rail Transit (MRT-3) ang tumirik kahapon na ikinainis ng libu-libong pasahero na na-late sa kani-kanilang mga trabaho at pupuntahan.

Nabatid mula sa MRT-3 control tower na ang  unang aberya ay naganap sa pagitan ng GMA Kamuning at Cubao Stations Southbound alas-7:04 ng umaga.

Pinababa ang mga pasahero ng tren na nagkaproblema at pinalipat na lamang sa kasunod na tren.

Makalipas ang ilang minuto o ganap na alas-7:18 ng umaga, isa na namang tren ang nagka-aberya sa pagitan ng Cubao-GMA Kamuning sa bahagi naman ng Northbound.

Pinababa rin ang mga pasahero ng nasabing tren sa kabila ng kanilang pagmamadali para makapasok sa kani-kanilang mga trabaho. Ang dalawang tumirik na tren ay hinatak na lamang pabalik sa MRT-3 depo sa Quezon Avenue, Quezon City.

Naipon naman ang mga pasahero sa iba’t ibang istas­yon ng MRT-3 habang ang iba ay naghanap na lamang ng ibang aternatibong masasakyan. Sinasabing technical problem ang sanhi ng magkasunod na aberya ng biyahe ng MRT-3.  

 

 

vuukle comment

MRT-3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with