^

Metro

Higit 400 behikulo nabawi sa sindikato ng rent-tangay/sangla

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mahigit sa 400 behikulo ang nareko-ber na ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) kasabay sa pagkalansag sa  big time rent-tangay at rent-sangla syndicate sa serye ng operasyon sa iba’t ibang bahagi ng Luzon, ayon sa mga opisyal kahapon.

Sa press briefing sa Camp Crame, iniulat ni PNP Chief P/Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang tagumpay ng operasyon ang PNP Highway Patrol Group sa pamumuno ni Chief Supt. Antonio Gardiola Jr.  Ang operasyon ay isinagawa mula Pebreo 1 hanggang 19 ng taong ito.

“I am pleased to announce the successful police intervention that led to the busting of a syndicate engaged in an elaborate multi-million peso scheme involving loans secured from unsuspecting individuals and financial firms using rented motor vehicles as collateral,” pahayag ni dela Rosa sa mediamen.

Kasabay nito, iprinisinta ni dela Rosa ang 107 sa mga nabawing behikulo na  kabilang sa 457 rent a cars na tinangay ng sindikato na nasamsam ng HPG ope­ratives sa serye ng operasyon sa Metro Manila, Southern Tagalog at Central Luzon.

Sinabi ng opisyal na isa sa mga supsek na nakilalang si Tychicus Nambio, kasalukuyang nakapiit matapos pagtangkaan ang buhay ng ilang mga biktima sa isang pag­pupulong sa Biñan, Laguna.

Samantalang apat pa sa mga suspect ang pinaghahanap pa ng PNP operatives  habang ang iba pa sa miyembro ng rent tangay syndicate ay patuloy na tinutugis ng mga awtoridad at nasakote ang iba pa na patuloy na iniimbestigahan sa ilegal na aktibidades.

Natukoy naman ang isang Rafaela Anunciacion, mastermind sa nasabing rent-sangla cheme; Eleonor Rosales, Secretary ni Anunciacion at ahente ng mga itong sina Anastacia Cauyan at Jhennelyn Berroya.

Pinaniniwalaan namang nasa 1,800 motor vehicles ang may kaso ng large scale estafa sa pamamagitan ng rent-sangla at rent tangay scheme  kung saan nagrerenta ng behikulo ang mga suspek pero mga talbog na tseke ang iniisyu sa kanilang mga biktima.

vuukle comment

400 BEHIKULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with