^

PSN Showbiz

Relasyong Xian at Kim wala pa ring label!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Bukod sa mga bulaklak ay isang bisikleta ang iniregalo ni Xian Lim kay Kim Chiu noong Valentine’s Day. Nahihilig daw kasi ang aktres ngayon sa pagba-bike dahil sa pagbibidahan nitong teleserye na Ikaw Lang Ang Iibigin.

“Nahihilig na rin siya sa pagba-bike. Tapos may binigay sa kanya na bisikleta para sa serye niya, pero ‘yung ibinigay ko puwede siya sa lupa, puwede sa mga bato. Gumigising na siya ng 3 a.m. para lang mag-bike ngayon,” pagbabahagi ni Xian.

Ayon sa aktor ay mahalagang bagay din ang iniregalo ni Kim sa kanya. “Binigyan niya rin ako ng para sa bike rin, ‘yung bike trainer, ‘yung ikakabit mo siya sa bike. Tapos iaangat niya ‘yung bike mo para hindi mo na kailangang lumabas at saka hindi ka na mahihirapan lalo na ‘pag may taping,” nakangiting pahayag ng binata.

Isang kakaibang selebrasyon ang ginawa nina Xian at Kim para sa Araw ng mga Puso. “Pumunta po kami ng Pampanga. Sinundo ko po siya sa bahay ng 3 a.m. Tapos dumiretso kami ng Capaz, Tarlac. Kasi do’n po ‘yung meet-up place ng gumagawa ng tour. Tapos from Tarlac, sinundo kami ng 4 x 4, dinaanan namin ‘yung lahar papunta do’n sa start ng camp. Then mga two hours kami paakyat ng bundok,” pagdedetalye ni Xian.

Mas malalim na raw ngayon ang relasyon ng dalawa pagkatapos ng naging adventure nila sa Pampanga. “’Yon talaga ang point doon, kasi dalawang oras kayong naglalakad. Kuwentuhan lang talaga at ‘yon ang maganda, walang signal. Marami naman pong may alam tungkol sa amin pero kung ‘yung label lang po ‘yung hinihintay nila, parang may tama naman pong panahon for that. Siguro in the near future. Ngayon po, wala pa,” makahulugang pahayag ni Xian.

Liza mataba ang pakiramdam sa sarili!

Kahit sinasabing isa sa may pinakamagandang mukha sa show business ay mayroon pa ring insecurities si Liza Soberano. Palagi raw napi-pressure ang aktres sa tuwing haharap sa publiko.

“There is pressure because I’m seen on TV. A lot of people look up to me. People also kind of grow confidence from you,” bungad ni Liza.

“What makes me insecure? A lot of things like my weight sometimes. Seriously this is a true thing because the camera tends to make you look bigger. So sometimes I feel bigger than more of the other girls on TV. When I’m on my period especially, when I see pretty girls, I feel like I’m not as pretty as them. Sa face ko I find my eyes imperfect because siyempre lahat naman tayo hindi pantay. Sometimes when I gain weight nagbo-bloat ‘yung face ko. So it’s hard to cover that up especially if you’re shooting a movie. Sa body ko naman I have really wide hips, so that is one thing I’m insecure about,” pagtatapat ni Liza.

vuukle comment

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with