^

Pang Movies

Taong humarang sa pangarap ni Kris, sobra ngang maimpluwensiya!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Knows ko na ang name ng powerful person na humadlang sa dream ni Kris Aquino na magkaroon ng talk show sa GMA-7.

Powerful as in very influential ang mhin na tinutukoy ko na hindi visible sa entertainment industry pero basta nagsalita siya, talagang pinapakinggan.

Ang tsismis na nakarating sa akin, malalim ang dahilan ng pagtanggi kay Kris ng powerful person na maimpluwensya at maraming koneksyon sa showbiz.

Lovi burado na Rocco in love na kay Sanya!

Naka-move on na talaga si Rocco Nacino sa break up nila ni Lovi Poe dahil kay Sanya Lopez, ang kapareha niya sa Encantadia.

Sa tuwing napag-uusapan si Sanya, kumikislap ang mga mata at hanggang tenga ang ngiti ni Rocco.

Feel na feel na nga ng co-stars nila sa Encantadia na hahantong sa totohanan ang kanilang sweetness sa set.

Mula nang maghiwalay sila ni Lovi Poe, hindi pa nagkakausap at hindi pa nakikita nang personal ni Rocco ang ex-dyowa niya.

Ang sey ni Rocco, wala nang dahilan para mag-usap sila ni Lovi dahil hiwalay na sila. Tanggap na tanggap na raw niya na hindi sila para sa isa’t-isa.

Hindi na rin pina-follow ni Rocco si Lovi sa social medal dahil wala rin reason bilang happy na siya.

Scenic elevator ng GMA tanaw ang Maynila

Sa wakas, nagagamit na ang mga bagong install na scenic elevator sa GMA-7 kaya mabilis na ang pag-akyat sa 17th floor, ang venue ng mga presscon ng mga programa ng Kapuso Network.

Bale lima na ang mga elevator sa main building ng GMA-7 at bonggang-bongga ang dalawang scenic elevators dahil makikita mula rito ang Manila Bay, parts ng Makati City at Ortigas area.

Orig Sang’gre ng Encantadia, malabo nang mabuo

Rejoicing ang cast at production staff ng Encantadia dahil lalong tumaas ang ratings ng primetime telefantasya nila sa GMA-7.

Nakatulong sa show ang mga special participation ng original Pirena at Danaya ng Encantadia, sina Sunshine Dizon at Diana Zubiri, respectively.

Tuwang-tuwa ang loyal viewers ng original Encantadia dahil napapanood na uli nila na magkasama sina Diana at Sunshine. Hoping sila na aapir din sa Encantadia sina Iza Calzado at Karylle na imposibleng mangyari dahil may mga kontrata ang dalawa sa ABS-CBN.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with