^

Bansa

Sotto binatikos sa ‘insulto’ kay Taguiwalo bilang single parent

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Umani ng batikos sa social media lalo na sa Facebook si Senate Majority Leader Tito Sotto dahil sa ginawa nitong pagbibiro kay Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo kung saan mistulang kinuwestiyon ng senador ang pagiging single parent nito.

Isinalang kahapon sa makapangyaring Commission on Appointments si Taguiwalo kung saan sinabi ni Sotto na may dalawa itong anak sa kabila ng pagiging single parent.

May mga nag-share sa Facebook ng transcript nang ginawang pagtatanong ni Sotto kay Taguiwalo kung saan may mga nagsabing makitid at maliit ang utak ng senador.

“Just on the lighter side, Senator (Franklin) Drilon and I were looking at the personal information about you and you have two children, daughters ba or sons? But you’re single?”  ani Sotto.

Kinumpirma ni Taguiwalo na mayroon siyang dalawang anak na babae at hindi naging normal na buhay pamilya ang kanyang pinagdaanan.

“My life has never been a normal one. I’ve never had a whole ‘mother-father-children’ kind of thing except when I was growing up in Bacolod…I graduated from UP in 1970, I did organizing work. From 1972 up to the 1986, it has been a life underground or in prison. So, my story would be different from the stories of those who have gone through corporation, etc,” pahayag ni Taguiwalo.

Matapos marinig ang paliwanag ni Taguiwalo, sinabi ni Sotto na kung lenguwahe sa kalye ang gagamitin, nagka-anak si Taguiwalo na ang tawag ay “na-ano na lang”.

“In the street language, if you have children and then you are single, ang tawag dun eh ‘na-ano lang,” ani Sotto.

Sinabi naman ni Taguiwalo na nagtuturo siya ng women’s studies at nirerespeto nila ang lahat ng uri ng pamilya kabilang ang mga solo parents.

Sa post ng isang Facebook user, sinabi ito na ang utak umano ni Sotto ay wala sa kalingkingan ng utak, integridad, track record at prinsipyo ni Taguiwalo.

Nag-post din ng comment ang mismong anak ni Taguiwalo sa kanyang FB account na si June Taguiwalo kung saan sinabi nito na walang kinalaman ang tanong ni Sotto sa trabaho ng kanyang ina sa DSWD.

Samantala humingi na umano ng paumanhin kay Taguiwalo si Sotto.

vuukle comment

TITO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with