^

Bansa

ICT experts nabahala sa P1.2-B radio equipment ng PNP

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nababahala ang mga IT experts kaugnay sa planong pagbili ng Philippine National Police (PNP) ng mga communication equipment na sinasabing maituturing nang mga outdated, ayon sa ilang source ng Information Commmunication Technology ng bansa.

Base sa ICT may ‘go signal’ na mula sa PNP ang procurement na nagkakahalaga ng P1.2-bilyon na hinati sa dalawang aprubadong bids para sa unang kontratang P360 milyon at P820 milyon para naman sa ikalawang kontrata na sinasabing para sa pagbili ng makalumang Digital Mobile Radio Standard (DMR).

Ang DMR standard ay isang klase ng radio equipment na akma lamang para sa ‘bussiness mobile radio’ na gamit na dinesenyo ng European Telecommunications Standards Institute.

Ayon sa mga eksperto, ang pagbili ng ganitong klase ng radio equipment ay isang ‘metrograde move’ dahil hindi ito akma o di-magiging epektibo para ma­ging isang ‘mission-critical communications systems’ lalo’t kung gagamitin ito sa panahong may kalamidad.

 “Kahit pa man sabihing isa itong ‘digital radio’, nakadisenyo lang ito as ‘business mobile radio’…, it is still far from the regular functionalities of the more advanced technologies available today,” pahayag ng isang eksperto.

Matatandaang noong 2016, ay gumawa rin ang PNP ng kahalintulad na Uniform and Equipment Standardization Board (UESB) Resolution kaugnay sa pagpapataas ng antas ng communication equipment ng kapulisan kung saan inaprubahan ang pagbili ng mga kagamitan na ayon na rin sa pagsunod sa Public Safety Standards.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with