^

Bansa

OFWs sa death row iuuwi sa Pinas: Digong lumipad patungong Saudi, Qatar at Bahrain

Ellen Fernando, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kumpiyansa si Pa­ngulong Rodrigo Duterte na kanyang maiuuwi sa Pilipinas ang mga nakakulong na overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia sa kanyang 3-araw na state visit sa tatlong bansa sa Middle East kahapon.

Sa kanyang departure message, sinabi ni Duterte sa tanong ng media na iuuwi niya ang mga Pinoy na nabigyan ng pardon o clemency ng Saudi King at makiki­pagkita rin siya sa Filipino community sa Miyerkules bago siya susunod na tumungo sa Bahrain.

Umalis ang Pangulo kahapon ng alas-3 ng hapon sa Manila at dumating sa Riyadh ng alas-10 ng gabi (oras sa Saudi).

Highlight sa pagbisita ng Pangulo ay ang pakikipagpulong nito ng alas-10 ng umaga (oras sa Manila)  sa Royal Palace kay Saudi King Salman bin Aldulaziz Al Saud, nagsisilbi ring Custodian of the Two Holy Mosques ng kingdom.

Kabilang sa mga inaasahang tatalakayin nina Duterte at King Salman ay ang may kinalaman sa kapakanan ng mga OFW  at sa economic at political cooperation ng bawat bansa.

Personal na pasasa­lamatan ng Pangulo si King Salman dahil sa mga tulong ng Saudi go­vernment para sa mga stran­ded OFWs ng nakalipas na taon makaraang akuin ng hari ang airfare ng mga Pinoy na nagnanais na umuwi sa Pilipinas.

Nabatid na hihimukin din ng Pangulo ang mga investors sa Saudi na mamuhunan sa Pilipinas lalo na sa sektor ng Halal foods sa Mindanao.

Matapos ang pagbi­sita ng Pangulo sa Saudi, tutulak naman siya patu­ngong Bahrain at Doha, Qatar na magpapatatag sa bilateral relations sa nasabing mga bansa.

Sa kanyang mga pagbisita sa tatlong nasabing bansa sa Gitnang Silangan, sasaksihan ng Pangulo ang iba’t ibang paglalagda ng mga kasunduan sa hanay ng paggawa, agrikultura, air services, kalusugan at political bilateral consultations.

Sa pulong-balitaan sa Davao City bago tumulak ang Pangulo patungong Middle East, kinumpirma niya na may mga OFWs siyang ibabalik sa Pilipinas na nabigyan na ng clearance. Kabilang dito ang pitong nasa death row.

Ayon sa Pangulo, uma­bot na sa 5,000 OFWs sa Jeddah ang nabigyan ng clearance at maari ng simulan ang pagpapauwi sa mga ito sa Pilipinas.

“Diyan sa Jeddah ‘yan. Iyong mga nabigyan ng permission of cle­mency to whatever it was may clearance na about 5,000 of them, sisimulan na natin silang iuwi. Ang unang batch, pagdating ko pagbalik, Inshallah, nandito na ‘yung iba,” dagdag ng Pangulo.

Tumanggi naman ang Pangulo na ihayag sa publiko kung magkakaroon ng memorandum of agreement sa pagitan ng Middle East at Pilipinas tungkol sa mga OFWs na naaabuso sa Middle East?

Kabilang sa mga bibisitahin ng Pangulo ang Saudi Arabia mula April 10 hanggang 12, Bahrain mula Abril 12 hanggang 14, State of Qatar mula 14 hanggang 16.

Balak din umanong hingin ng Pangulo ang suporta ng mga lider sa Middle East para sa pagsusulong kapayapaan sa Mindanao.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with