Drug peddler utas sa tandem
BULACAN , Philippines – Napaslang ang 56-anyos na sinasabing notoryus drug peddler matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa Barangay Pulong Buhangin, bayan ng Santa Maria, Bulacan kamakalawa ng gabi. Tatlong tama ng bala sa ulo at katawan ang tumapos sa buhay ni Ralph Tabbu ng Garden Village, Barangay Pulong Buhangin sa nabanggit na bayan. Sa imbestigasyon ni PO3 Joey Cabarles, naglalakad pauwi ang biktima sa bisinidad ng Garden Village papauwi nang lapitan at putukan sa ulo ng tandem. Narinig naman ng ilang residente ang seryer ng putok ng baril kaya inusisa ito kung saan bumungad sa kanila ang duguang biktima. Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng bala cal .45 pistol habang patuloy naman ang pagsisiyasat.
- Latest