^

Probinsiya

Araw ng Kagitingan, ginunita sa Bataan

Jonie Capalaran - Pilipino Star Ngayon

BATAAN , Philippines  – Umabot sa libo-katao ang sumaksi sa  ika-75 taong paggunita ng Araw ng Kagitingan sa tuktok ng Mt. Samat sa Barangay Diwa sa bayan ng Pilar, Bataan kahapon.

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kasama sina Japanese Ambassador Kazuhido Ishikawa at U.S. Embassy Charge D’ Affairs Michael Klecheski ang pag-aalay ng bulaklak bilang pasasalamat at paggunita sa mga namayapang beterano.

Sa mensahe ni Pangulong Duterte, nakangiting binanggit nito ang benepisyong tatanggapin ng mga beterano.

“I am directing the Department of Budget and Management to the Department of National Defense to expedite the early release of retirement pension, initial 2008, 2010, 2013 in the amount of P8.421 bilyon, Mabuhay ang mga Beterano, Mabuhay ang Pilipinas, Saludo ako sa inyo Sir,” pahayag ng Pangulo.

Samantala, maluha-luhang pinasalamatan ni Angel de Guzman, 92, ng Abucay, Bataan ang tinuran ng Pa­ngulo na malaking tulong para sa kanya dahil malulutas ang problemang pinansiyal sa kanyang pamilya sa pambili ng kanyang mga gamot.

Dumalo rin sina Bataan Governor Albert Raymond Garcia, 1st District Rep. Ge­raldine Roman, 2nd District Rep. Joet Garcia at mga opis­yal ng lokal na pamahalaan.

vuukle comment

RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with