Ikatlong ‘Kalinga ni Erap’ isinagawa
MANILA, Philippines - Maituturing na tagumpay ang isinagawag serbisyong medikal ni Manila Mayor Joseph Estrada sa mga Manilenyo upang matiyak na walang sakit at mabigyan ng gamot.
Sa ikatlong taon ng “Kalinga ni Erap” naging mas matagumpay at siniguro ni Estrada na mailalapit sa mga tag-Maynila ang libreng konsultasyon at libreng gamot. Umaabot sa 1,000 residente ang nagbenepisyo sa isang araw na medical-dental mission sa Tondo Sports Complex.
“As we all know, health is wealth. That is why we’ve been putting premium on the health of every Manileño,” ani Estrada
Tinatayang nasa mahigit 1,000 din ang nabigyang ng serbisyong medical ang “Kalinga ni Erap” program nang simulan ito noong 2015.
Kabilang sa mga serbisyong medikal ay ang general consultation, free medicines, at laboratory tests tulad ng complete blood count (CBC), sugar, at cholesterol tests; bone density scanning at screening, dialysis, at electrocardiogram (ECG); breast scanning, at HIV-AIDS testing.
Ang mga dental services, naman ay kinabibilangan ng tooth extraction, prophylaxis at dental cleaning. Namahagi din ng libreng salamin sa mata.
Ayon kay Dr. Regina Bagsic, overall coordinator ng anim na pampublikong ospital maging ang hindi residente ng Tondo ay nabigyan din ng serbisyong medikal.
Sinabi ni Bagsic na malaki ang kanilang pasasalamat sa lahat ng mga doktor, nurse at medical professionals at mga volunteers na tumulong sa medical fair.
- Latest