^

Metro

‘Tulak’ sa Pasig, timbog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Arestado ang isang kilalang tulak ng droga sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad sa  Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay  Eastern Police District (EPD) Director Chief Supt. Romulo Sapitula ang suspek na si  Raffiodin Paouti alyas Amir Paunte,  ng  M.H Del Pilar St., Brgy. San Nicolas, Pasig City ay nadakip dakong alas-9:10 ng gabi  sa isinagawang buy bust operation ng mga tauhan ng Pasig police.

Nabatid na isang concern citizen ang nagsumbong sa pulisya hinggil sa talamak na pagbebeta ng illegal na droga ng suspek.

Isang asset ng pulisya ang nagsilbing buyer ng suspek at agad na dinakip sa aktong ini-aabot nito ang droga.

Nabawi sa suspek ang limang plastic sachet na naglalaman ng shabu, mark money ay iba’t ibang uri ng drug paraphernalia.

Nakakulong ngayon ang suspek sa Pasig police at inihahanda na ang pagsa­sampa ng kasong drug pu­shing laban sa kanya.

vuukle comment

ROMULO SAPITULA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with