^

Probinsiya

Ambush: Driver dedo, vice mayor, 2 pa grabe

Raymund Catindig, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napatay ang 21-anyos na driver ng opisyal ng lokal na pamahalaan habang malubha naman ang vice mayor at dalawa nitong alalay sa naganap na pananambang sa Barangay Daquioag, bayan ng Marcos, Ilocos Norte noong Martes ng gabi.

?Kinilala ni P/Chief Insp. Dexter Corpuz, tagapagsalita ng Ilocos Norte police ang napatay na si Lucky Jesrel Rumbaoa habang sugatan naman sina Vice Mayor Jessie Ermitanio, 42; Ricky Florendo, 32; at si Edralene Arellano, 26.

Ayon sa police report, magkakasama ang mga biktima sa Toyota Fortuner (AAR 3215) ni Ermitanio habang nag-iikot sa mga barangay sa bayan ng Marcos nang ratratin dakong alas-7 ng gabi.?

Narekober sa crime scene ang 46 basyo ng bala ng M16 Armalite rifle habang isang cal. 38 revolver na paltik ang natagpuan sa SUV ng mga biktima.?

Nabatid na ang naganap na pananambang sa mga biktima ang nagbigay dungis sa malinis na imahen ng bayan ng Marcos na kilala bilang payapang lugar sa Ilocos Norte kahit na panahon pa ng eleksiyon.

vuukle comment

DEXTER CORPUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with