^

PSN Showbiz

Janella walang paki kahit masunog ang balat

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hindi pantay ang kulay ni Janella Salvador nang makita namin na dala ng tatlong araw na shooting sa isang lugar sa Zambales para sa My Fairy Tail Love Story. Kahit nag-sunblock siya, umitim pa rin si Janella.

Dream role ni Janella ang gumanap na sirena. Ang theme pa nga ng kanyang 5th birthday party noon ay mga nilalang sa dagat kung saan siya ay sirena. Kaya nang malaman ang bagong movie sa Regal Entertainment, natuwa siya. Game na game siya sa diving lesson at mermaid swimming na ni-require sa kanya ni director Jun Lana pati ang pag-dive sa 12 ft. deep.

Gagampanan ni Janella ang role ni Chantal na isang kikay at maarteng sirena. May nangyari kung bakit naging sirena siya na siyempre, bawal ikuwento. Basta, tuwang-tuwa si Janella sa bago niyang pelikula.

Natuwa rin ba siya nang malamang ipapasok ng Regal Entertainment sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang My Fairy Tail Love Story?

“Medyo may pressure, pero mas ang excitement because long time dream ko to portray a mermaid role. But I believe sa project at matagal ng walang mermaid movie sa MMFF. Gagawin naming magandang-maganda ang movie,” sabi ni Janella.

Ginagawa rin ni Janella sa Star Cinema ang Bloody Crayons sa direction naman ni Topel Lee at magti-taping na ng teleserye nila ni Elmo Magalona na Kung Kailangan Mo Ako. Sa tulong ng DMV Entertainment at manager niyang si Manny Valera, naaayos ang schedule ng singer-actress at walang magiging conflict.

Dagdag na inspirasyon kay Janella ang natanggap na Gold at Platinum Record Award for her self-titled album. 

Graduation ng anak ni Jolo ‘di sinipot ng nanay

Very proud father si Cavite Vice-Governor Jolo Revilla sa pagtatapos ng anak na si Gabriel sa grade school sa De La Salle Santiago Zobel sa Muntinlupa. Ngayon lang uli nakita ng mga tao si Gabriel na malaki na pala. Pero sa halip na ang ina nitong si Grace Adriano, ang kanyang lola na si Bacoor Mayor Lani Mercado ang kasama sa graduation rites at sa picture.

Post ni Jolo, “No words can describe how grateful I am seeing my only son on stage on his graduation. Gab, I am so proud of you. You have excelled not only in your studies, but also in becoming a responsible young man. Keep up the good work! Study hard, I am always here for you. I love you.”

MTB bet din ng K-Pop fans

Bawal ang salitang “extended” sa GMA-7 dahil iba raw ang nagiging dating ng salitang ito sa viewers. Kaya ganito ang nabasa naming announcement sa social media patungkol sa Meant To Be, “Happy 3 months Meant To Be!!! More months to come!!!”

Nabasa rin namin ang tweet ni director LA Madridejos nang mag-13th weeks ang show at dahil tuluy-tuloy ang taping ng cast, ibig sabihin, magtatagal pa ang rom-com series.

Samantala, may naka-schedule na pictorial ang cast ng Meant To Be na sina Barbie Forteza, Jak Roberto, Ivan Dorschner, Addy Raj, at Ken Chan.

Maraming K-pop fans ang nanonood ng Meant To Be dahil may Korean drama feel ang show.

 

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with