^

Bansa

4 kidnappers ng Indian trader, timbog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nalutas na ng Philippine National Police (PNP)  ang kaso ng pagdukot sa isang negosyanteng Indian matapos na masagip ang biktima at masakote ang apat na kidnappers sa magkakahiwalay na operasyon sa Nueva Ecija kamakalawa.

Ito ang inihayag kahapon ni PNP Chief P/Director General Ronald “Bato’ dela Rosa sa mediamen.

“ I am pleased to announce the neutralization of a kidnapping for ransom syndicate led by an Indian national that victimizes fellow Indians who are doing business in the country”, pahayag ni Dela Rosa.

Kinilala ang nasagip na bihag na si Harvinder Singh, residente ng Brgy. Sta. Barbara, Llanera ng lalawigang nabanggit.

Arestado naman sa operasyon, ayon kay  PNP-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) Director P/Sr. Supt. Glenn Dumlao ang mga suspek na sina Gurmeet Singh, lider ng kidnap for ransom gang at siyang ransom taker; Jerry Cabanding,  alyas Toloz; pawang  nahuli sa Brgy. Agupalo West, Lupao; Francis Castro,  alyas Gorilla at Gregorio Peña,  alyas Jun Nun  na nabitag naman sa  Brgy. East, Rizal; pawang sa lalawigan.

Tinukoy naman ng mga opisyal na si Gurmeet ang isa sa lider ng grupo  na siyang kumuha ng ransom  mula sa pamilya ni  Harvinder na dinukot noong Marso 9, 2017 sa Brgy. Sta Barbara, Llanera, Nueva Ecija  na pinalaya noong nakalipas na Sabado.

Narekober mula sa mga suspek ang tatlong  cal. 45 pistols  na may magazine at  mga bala, isang grenade  kabilang ang P 600,000.00  na bahagi ng ransom money.

Nabatid na nagsagawa ng payoff operation  noong Marso 24, 2017 na nasundan noong Marso 25 ng taong ito habang sa followup operations naman kamakalawa ay magkakasunod na nasakote ang mga suspek.

Lumilitaw naman na ang mastermind ng mga suspek ay natukoy na sina Kikker Singh at Gurmeet Singh  ay sangkot sa walong kaso ng kidnapping for ransom  na karamihan ay sa Pampanga, Bataan, Nueva Ecija at Metro Manila.

vuukle comment

TIMBOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with