^

PSN Showbiz

Toni mas lalong namayat sa kakapa-dede sa anak!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Dapat ay magtatambal sina Piolo Pascual at Toni Gonzaga sa isang TV series, ang Written In Our Stars na ta­tam­pukan din nina Sam Milby at Jolina Magdangal na nakatakda sanang idirek ni Andoy Ranay pero ito’y hindi natuloy dahil sa pagbubuntis ni Toni sa kanilang first baby ng husband niyang si Paul Soriano na si Seve. Sa halip na TV series, matutuloy ang muling pagtatambal nila sa pelikula na nakatakdang idirek ni Joyce Bernal under Star Cinema.

Tanggap si Toni sa mga rom-com movies sa lahat ng kanyang mga nakatambal from Vhong Navarro, John Lloyd Cruz, Sam Milby, at Piolo Pascual.

Speaking of Toni, marami ang naaalarma sa pa­gi­ging sobrang payat ngayon ng nakatatandang kapatid ni Alex Gonzaga. Dahil kaya ito sa kanyang pagpupuyat sa pag-aalaga sa first baby nila na kanyang bini-breast feed pa rin hanggang ngayon?

Piolo mas pinagnanasaan kung kailan tumanda

Hanggang ngayon ay nananatili pa ring pantasya ng mga kababaihan at mga bading ang Kapamilya prime actor na si Piolo Pascual who remain single at 40 although meron siyang 19-year-old son na si Inigo Pascual.         

Marami ang nagsasabi na kahit guwapo at talen­ded din si Inigo, hindi nito nakuha ang kakaibang sex appeal ng kanyang amang si Piolo.

Habang nagkaka-edad si Piolo ay lalo lamang siyang pinagka­kaguluhan ng mga babae pero mukhang wala pa rin sa bokabu­laryo ng Kapamilya hunk actor ang pag-aasawa lalupa’t wala pa na­man talaga itong matatawag na girlfriend.

Janine ayaw ng negative vibes

Walang masamang tinapay sa bida ng TV drama series ng GMA na Legally Blind na si Janine Gu­tierrez pagdating sa dalawang babaeng na-link at nali-link ngayon sa kanyang ex-boyfriend na si Elmo Magalona, anak ng yumaong Master Rapper at King of Rap na si Francis Magalona.

Late last year ay nakasama ni Janine sa isang soap brand event ang nali-link kay Elmo ngayon na si Janella Salvador at siya ang unang lumapit at nakipag-usap dito. Ginawa rin ito ni Janine sa isa pang ex-GF ni Elmo na si Lauren Young.

Sina Janine at Lauren ay magkasama ngayon sa tumatakbong teleserye na Legally Blind na si Janine ang pangunahing bituin. 

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with