^

PSN Showbiz

Mark nami-miss na ang TV

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kasalukuyang nasa Amerika si Mark Bautista para sa muling pagpapalabas ng musical na Here Lies Love. Dito ay gumaganap ang singer bilang si Ferdinand Marcos.

Naipalabas na sa London ang nasabing musical kaya masayang-masaya si Mark na nagkaroon naman ito ng restaging sa U.S.

“Ang sarap ng feeling kasi hindi ko na talaga expected na magkaroon pa ng another show for this dahil mahirap nga daw i-mount, magastos at mahal. But I’m so happy na nabuo ulit as a trial ng team for future shows and tours,” nakangiting pahayag ni Mark.

May posibilidad din na maipalabas sa Pilipinas ang Here Lies Love ayon sa binata.

“May mga usapan na dadalhin sa ibang bansa and may chance na dalhin na rin dito sa Pilipinas. For this production kasi, kaya na siyang dalhin kasi mas madali. Siyempre as a Pinoy performer sa show, gusto ko talaga mapanood ng mga kababayan natin ang show and talagang mag-e-enjoy sila,” pagbabahagi ni Mark.

Dahil sa pagiging abala sa entablado ay hinahanap-hanap na raw ngayon ng singer ang pagtatrabaho sa telebisyon. “Oo naman, na-miss ko rin. Sana na-miss din nila ako. Of course nami-miss ko rin ang magtrabaho sa TV. For the longest time wala akong TV show kaya nag-decide ako na mag-aral sa New York and then perfect timing, ito ‘yung dumating after ng school ko sa New York. Napaisip na lang ako, kasi may reason naman lahat kung bakit,” makahulugang pahayag ni Mark.

Joseph six years nagtiis na walang rice

Isa si Joseph Marco sa mga leading men ni Maja Salvador sa teleseryeng Wildflower.

Kapansin-pansin ang pagkakaroon ng magandang pangangatawan ng aktor dahil may mga eksenang topless siya sa nasabing proyekto.

Sobrang pag-aalaga raw ang ginagawa ni Joseph upang mapanatili ang magandang hubog ng kanyang katawan. “I’ve been working out for eight years na rin. So medyo sanay na rin talaga ako. Maintenance lang talaga. I work out regularly. I play basketball and most importantly, dapat talaga you watch what you eat. Kasi kahit na nagwo-workout ka pero pig out ka naman nang pig out, it’s not gonna work,” pagbabahagi ni Joseph.

Matagal na panahon din na hindi kumain ng kanin ang aktor.

“At the age of 20, mga six years, wala akong kinaing rice. Pero no’ng 2016, I’m eating rice pero balanced pa rin. Hindi ‘yung sobra-sobra,” kwento ng binata.

Bumalik daw ang pagkain ni Joseph ng kanin nang minsan siyang mangibang bansa. “Kasi may mga times na nag-Spain ako, hindi ako kumakain ng Paella just because I’m depriving myself. So sabi ko, tama na, kaya namang balansehin. I don’t have to completely shut off ‘yung rice sa buhay ko,” pagtatapos ng aktor.

vuukle comment

MARK BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with