^

PSN Showbiz

Pia napagkamalang si Pauleen!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nakatrabaho pala ni Lorna Tolentino si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach noong hindi pa ito beauty queen.

Umapir si Pia sa isang episode ng Third Eye, ang weekly suspense thriller show ng TV5 na pinagbidahan nina LT, Eula Caballero, at Daniel Matsunaga noong 2012.

Chubby pa si Pia sa guesting niya sa Third Eye na napapanood ang replay sa Kapatid Network.

Sa unang tingin, napagkamalan si Pia na si Pauleen Luna dahil magkahawig sila at hindi ito problema dahil best of friends sa tunay na buhay ang dalawa.

Marami na ang nangyari sa buhay ni Pia mula noong 2013 pero tiyak na hindi niya malilimutan ang kanyang guesting sa Third Eye.

Jim idedemanda sa pagnanakaw ng tarpaulin!

Hindi pa pala tapos ang Jim Paredes issue dahil idedemanda siya ng Duterte Youth na tinalak-talakan niya sa EDSA rally noong Sabado.

Unjust vexation at theft ang mga kaso na planong isampa ng Duterte Youth laban kay Jim.

Bakit may theft case? Hindi kasi ibinalik sa Duterte Youth ang banner na worth P700 at may nakasulat ng suporta nila kay President Rodrigo Duterte na kinuha ng mga supporter ni Jim.

Ang banner ang dahilan kaya hindi agad umalis sa EDSA ang Duterte Youth. Binawi nila nang pilit ang banner pero nabigo sila.

Suportado ni Solicitor General Jose Calida ang laban kay Jim ng Duterte Youth.

Matindi ang mensahe na ipinarating ni Calida sa dating member ng APO. Hinahamon ni Calida si Jim na siya ang harapin dahil sila ang magkaedad, hindi ang mga member ng Duterte Youth.

Nawindang naman si Jim sa mga bashing na nababasa dahil pati ang kanyang apo na kasisilang pa lang, idinadamay ng mga hater niya.

Boobay balik sa dating gawi

Feeling worried naman ang fans ni Boobay dahil very visible uli sa TV ang gay comedian.

Nag-aalala ang mga tagahanga ni Boobay dahil tatlong buwan pa lang ang nakararaan mula nang maka-survive siya sa stroke.

Ang maghinay-hinay si Boobay ang unsolicited advice ng fans dahil health is wealth. Kahit hindi na nagpupuyat si Boobay sa mga show nito sa mga comedy bar, importante pa rin daw na huwag niyang pagurin ang sarili.

Mula nang gumaling siya, kaliwa’t kanan uli ang mga television guesting ni Boobay, napanood siya sa Full House Tonight, Dear Uge, Kapuso Mo, Jessica Soho etc.

Accountant ng Oscars nagkamali raw dahil sa kaadikan sa social media

Super tweet daw ang Pricewaterhouse accountant na si Brian Cullinan kaya nagkamali siya ng envelope na ibinigay kay Warren Beatty, ang presenter ng Best Picture winner sa 89th Academy Awards.

Imbes na ang Best Picture winner envelope ang iniabot ni Brian kay Warren, ang envelope ng Best Actress winner ang ibinigay niya sa veteran actor.

Thirty years nang accountant si Brian ng Pricewaterhouse Coopers, ang official accounting firm ng Oscar Awards.

Ang tsismis, naging busy si Brian sa Twitter kaya hindi nito napansin na wrong envelope ang napasakamay ni Warren.

Nasira ang bongga sana na presentation ng 89th Oscar Awards dahil sa pagkakamali ni Brian kaya hoping ang fans na papatawan siya ng kaukulang parusa.’Yan ang napapala at nangyayari sa mga tao na addict sa social media.

vuukle comment

LORNA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with